Kim

Kim unbothered, Glenda kuminang sa Indonesia

June 17, 2024 Ian F. Fariñas 143 views

Glenda“’Pag masaya ka sa buhay mo magre-reflect ‘yon sa mukha mo na maaliwalas, mukhang masaya, mukhang maganda kasi ‘di mo pinoproblema ‘yong problemang ‘di mo kailangang problemahin.

So just live in the moment, mabuhay ka lang. Gawin mo lang ano magpapasaya sa ‘yo and kung ano ‘yong magpapaganda sa ‘yo,” bahagi ng pahayag ni Kim Chiu sa ginanap na malaking launch ng Brilliant Skin Essentials ni Glenda dela Cruz, na nanalo ng international award sa Indonesia kamakailan para sa Hello! Melo Drink na si Kim nga ang endorser.

Kita naman talaga kay Kim na masaya siya, lalo na nu’ng mag-skydiving siya sa Dubai.

Obserbasyon ng netizens, parang wala siyang inaalala.

Obvious na unbothered ang aktres sa mga lumalabas na balita tungkol sa breakup nila ni Xian Lim.

Anyway, hindi naman nakaligtas sa kanyang followers ang poging ka-tandem ni Kim sa skydiving. Grabe, pati ‘yun, huh!

Anyway, wagi nga si Glenda ng Inspiring Women Excellence Awards 2024 na ginanap sa Indonesia recently.

Ang parangal ay bilang pagdiriwang at pagkilala sa mga tagumpay at innovation na ginawa ng mga matagumpay na babaeng negosyante kabilang na si Glenda ng Brilliant Skin Essentials.

AUTHOR PROFILE