Bela1

Bela umalma sa pekeng wedding video: Stop congratulating me guys

June 17, 2024 Vinia Vivar 172 views

Ikinaloka ni Bela Padilla ang fake news na kumakalat ngayon sa internet na nagsasaad na nagpakasal na sila ng Swiss boyfriend niyang si Norman Bay.

Actually ay napanood din namin ang YouTube video na ‘yun kung saan ay nakasuot pa ng wedding gown si Bela at kung hindi ka pamilyar sa mga ganap sa showbiz ay iisipin mo ngang totoo.

Anyway, nakarating nga kay Bela ang nasabing fake news kaya naman kaagad itong nilinaw ng aktres sa kanyang social media accounts.

Aniya ay nagulat na lang siya nang maraming nagpapadala sa kanya ng congratulatory messages.

“Nothing to ruin your day like getting congratulatory messages from your people you know cause a YouTube account keeps posting click bait videos that you got married,” sey ni Bela sa kanyang Instagram Story.

Paglilinaw pa ng aktres, “Not married yet, guys. Save the congratulations for another day.”

Sa kanyang X account ay nirepost ni Bela ang nasabing fake wedding news at sa caption ay nilinaw niyang eksena sa isang teleserye niya ang video na nakasuot siya ng wedding gown.

“Can we all please report this account that keeps spreading fake news. That clickbait photo is from a teleserye scene,” ani Bela.

Pinagsabihan din niya ang madlang people na itigil na ang pagko-congratulate sa kanya.

“Not married. Stop congratulating me guys (laughing with tears emoji),” tweet pa ng aktres.

ZANJOE MAY PA-TRIBUTE KAY RIA

Matapos isapubliko ni Rita Atayde nitong nakaraang Father’s Day (Sunday) ang kanyang pagdadalang-tao sa first baby nila ni Zanjoe Marudo, ang aktor naman ang nagbigay ng kanyang pahayag tungkol dito.

Sa Instagram account ni Z ay makikita ang kanyang pa-tribute sa ina ng kanyang magiging anak.

Nag-post ang aktor ng sweet photos nila ni Ria together kalakip ang short but sweet caption.

“Motherhood. Our baby and I are both so lucky to have you,” mensahe ni Zanjoe sa misis.

Matatandaan na nitong Father’s Day (June 16) ay inanunsyo ni Ria ang kanyang pregnancy by showing her baby bump kasabay ng pagbati sa mister.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you. Happy first Father’s Day!” ang caption ni Ria.

AUTHOR PROFILE