MPD

Pagiging agresibo ng China iprinotesta

June 17, 2024 Jonjon Reyes 174 views

MPD1MPD2NAGSAGAWA ng kilos protesta Lunes ng umaga ang iba’t ibang samahang sector kabilang ang Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya mula sa Pampanga,Bulakan, Laguna, Cavite at Metro Manila sa harap ng University of Sto Tomas patungong Mendiola sa Chino Roses, C.M Recto sa Sta Cruz, Manila.

Ang mga nagprotesta ay napahayag ang suporta sa mga programa at polisiya ng administration ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr, kaugnay sa West Philippine Sea.

Bitbit ang iba’t ibang panawagan at kulturang pagtatanghal, iprinotesta din nila ang agresibong aksyon at bagong regulasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Mahigpit namang nagbantay ang mga kapulisan ng Manila Police District sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel.Romeo Estabillo, hepe ng MPD-Barbosa Police Staion.14,upang masiguro ang seguridad at maiwasan ang karahasan sa nasabing kilos-protesta.

AUTHOR PROFILE