Christian

Christian nanghihingi ng public apology sa pet crematorium

June 17, 2024 Vinia Vivar 219 views

Naging emosyonal si Christian Bables habang ikinukwento ang sinapit ng kanyang pumanaw na aso sa isang pet crematorium.

Pumanaw ang pinakamamahal na aso ni Christian na si Hope nitong June 15 at makikita rin sa Facebook post ng aktor ang maramdaming pamamaalam niya sa kanyang alaga.

Ayon kay Christian sa video interview na inilabas ng ABS-CBN, kinuha niya ang serbisyo ng Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium Inc. para mag-asikaso ng labi ni Hope.

“I asked for a 9:30 p.m. viewing, I was there before 9:30, wala pa sila, nauna pa akong dumating sa kanila.

“So, pagdating nila do’n, they made me settle the full amount of 8,000 pesos para raw ma-start ang viewing. So, I settled it right away,” kwento ni Christian.

“They made us wait for 10-15 minutes, ipe-prepare lang daw nila si Hope,” patuloy niya.

Nagtataka na raw siya kung bakit ang bilis ng preparation pero inisip niya ring baka naman kaya nang ganu’n kabilis.

“So, pinababa na nila kami do’n sa viewing room ni Hope. Pagdating namin do’n, si Hope, nakabalandra lang do’n. Para siyang baboy sa palengke, hindi man lang inayos,” sabi ng aktor na napapaiyak na.

“Ang pangit sa pakiramdam, sir, kasi ‘yun na ‘yung last time na makikita ko ‘yung someone I dearly loved. I am sure, hindi lahat, maiintindihan ‘yung bigat na nararamdaman ko,” emosyonal pa niyang sabi.

Itinuring daw niyang pamilya si Hope at parte ito ng kanyang support system.

“I think it’s about time for someone who has a small voice to speak up. That animals of all kinds and sizes should be treated with enough respect and decency, buhay pa man na kasama natin o namayapa na,” saad ng aktor.

“This is to somehow raise awareness na sana wala nang furparent or furbabies na makaranas ng ganito,” pahayag pa niya.

Sa ngayon ay nagpadala na ng demand letter ang mga abogado (Calinisan Domino and Beron Law Offices) ni Christian at humihingi ang aktor ng public apology mula sa nasabing pet crematorium dahil sa umano’y pagpapabaya na ginawa sa kanyang aso.

Bukas naman ang pahina ng People’s Tonight para sa panig ng Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium Inc.

BEST MOMENT

Para kay Heart Evangelista, best moment para sa kanya kapag nakikita niyang magkasama ang kanyang ama at mister na si Senate President Chiz Escudero.

“My best moment with my dad, alam mo kapag nakikita ko sila ng asawa ko na magkasama. Natutuwa ako kasi nadudugtong ko kung saan ako nanggaling at saan ako ngayon so it really matters, it’s really special to me,” pahayag ni Heart sa panayam sa kanya ng GMA-7 in celebration of Father’s Day.

Inilarawan din ng global fashion icon at Senate First Lady ang kanyang mister bilang isang ama sa kambal nitong anak na sina Quino at Chesi.

“Si Chiz, bilang isang dad sa mga anak niya iba siya. Sobrang supportive niya, parang ako pa nga ‘yung strikto pero napaka-blessed ng mga bata na meron silang ganung klase ng tatay kasi he’s very present,” saad ni Heart.

Samantala, makikita sa latest post ni Heart na lumipad na naman patungong Paris ang aktres para sa Paris Fashion Week.

Nag-post si Heart ng larawan habang nasa eroplano at sa caption, she wrote, “Caviar and self love. welcome to my favorite playground… Paris!”

AUTHOR PROFILE