Ignacio

Direk Louie ngiting-tagumpay

May 27, 2024 Jun Nardo 325 views

NGITING-TAGUMPAY si Direk Louie Ignacio sa panalo niya bilang best director sa nakaraang FAMAS para sa movie na Papa Mascot.

Vindicated pa siya dahil malaking sampal ito sa mga bumanat sa pagkakagawa niya sa Ken Chan starrer.

Eh, a few months ago, nilait ng isang online movie critic ang Papa Mascot. Pinatulan siya ni Direk Louie na galit na galit, huh!

Ngayon, FAMAS awardee na si Direk Louie. Pero wala na kaming nakikitang reviews ng movie critic sa social media.

Hindi man nagustuhan ng iba ang obra ni Direk Louie, at least, may maipagmamalaki na siyang FAMAS trophy na kahit hindi gusto ng ilang tao ang choice of winners, FAMAS is FAMAS ‘yan.

Isa na itong institusyon sa showbiz, huh!

AUTHOR PROFILE