Melai

EKSENANG ‘QOT’ NG MELASON PINUSUAN NG NETIZENS

May 27, 2024 Vinia Vivar 99 views

Aliw na aliw ang netizens sa Instagram post ni Melai Cantiveros kung saan ay nagpunta sila ng asawang si Jason Francisco sa mall na naging film location ng hit Korean drama na Queen of Tears.

Kung matatandaan, lumipad pa-SoKor si Melai kasama ang pamilya para tanggapin ang appointment bilang pinakabagong honorary ambassador for Korean Tourism Organization (KTO).

Habang nasa Seoul, sinamantala nila ang pagkakataong makapamasyal at isa nga sa mga sinadya nila ay ang mall na pinagsyutingan ng Queen of Tears.

Ang nasabing mall ay Queen’s Mall ang tawag sa naturang hit K-drama pero in real life, ito ay ang Hyundai Seoul Mall.

Sa mga larawang pinost ni Melai ay makikitang ginaya nila ni Jason ang mga eksena sa QoT.

In one photo ay makikita si Melai na nakasakay sa escalator at natalisod gaya ng napanood sa isang scene sa QoT.

Sa isang larawan naman ay makikita si Jason na nakasilip sa taas ng escalator na isa ring eksena sa nasabing K-drama.

“At Queens Mall with Hong Hae Ingrown and Mr Baek Hyun Wood. Another QOT bucketlist unlocked,” caption ni Melai.

Super-react ang mga netizen at kapwa celebrities sa paandar ng MelaSon. Relate na relate sila sa mga photo, lalo na nga ang mga nakapanood ng QoT.

Comment ni Jolina Magdangal, “ang saya saya!!!!!”

“Hahahahha you guys are just too funny,” sabi ng isang netizen.

“HAHAHAHA!!! Awww!!! gusto ko yung natalisod!!! Hae-in!!!!!!!” komento naman ng isa pa.

“Kuhang kuha niyo bestie,” saad ng isa pang follower.

Sa pinakahuling post ni Melai ay makikitang nakasakay na sila sa eroplano pabalik ng Pilipinas.

AUTHOR PROFILE