Kathden

Fans nagbunyi sa viral date ng KathDen

May 27, 2024 Vinia Vivar 121 views

Mabilis nag-viral sa social media ang larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo habang magkasama sa isang mall sa BGC sa Taguig.

Yes, spotted ang KathDen na nagde-date but with a chaperone naman na si Allora Sasam.

Ayon sa caption ng isang netizen na nag-post, “Alden and Kathryn, spotted sa kanilang date sa BGC ngayon.”

Sa viral photo ay makikita sina Alden, Kathryn at Allora na nasa escalator ng mall. Naka-face mask ang tatlo pero nakilala pa rin sila ng netizens.

Si Kathryn ay naka-maong jeans and maong jacket habang si Alden naman ay naka-black T-shirt and black pants.

Bukod sa face masks ay nakasuot din sila ng cap.

Nagbunbunyi ang KathDen fans at kilig na kilig sa bagong sighting na ito dahil tila ino-open na raw talaga ng dalawa ang kanilang closeness o pagkakamabutihan.

“Sobrang kinilig talaga kami ng bonggang bongga ang saya sa puso kathden forever,” sey ng isang fan.

“Happy for them. They both deserve to be happy,” anang isa pa.

“Grabe super kilig ko sa kathden and god bless you both,” komento naman ng isa pang KathDen fanatic.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na napabalitang nag-date ang dalawa. A few weeks ago ay namataan din ang KathDen na nanonood ng sine. Spotted din daw ang dalawa sa isang dinner date recently.

AUTHOR PROFILE