Kathryn

Kathryn best actress, Piolo at Alfred tie sa pagka-best actor sa FAMAS

May 27, 2024 Vinia Vivar 181 views

Nasungkit ni Kathryn Bernardo ang kauna-unahang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) Best Actress award sa katatapos na Gabi ng Parangal ng naturang award-giving body.

Ginanap ang 72nd FAMAS Awards Night nitong Sunday (May 26) sa Manila Hotel.

Nanalo si Kathryn para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang A Very Good Girl.

Nag-tie naman sa Best Actor award sina Piolo Pascual para sa Mallari at Alfred Vargas para sa Pieta.

Big winner ang pelikulang Mallari dahil humakot ito ng anim na awards. Aside from Best Actor, nanalo rin itong Best Picture, Best Supporting Actress (Gloria Diaz), Best Screenplay (Enrico Santos), Best Production Design (Marielle Hizon) at Best Visual Effects.

Sey ni Kathryn sa kanyang acceptance speech, “Ang bigat pala ng trophy n’yo, this is my first!”

Pinasalamatan ng aktres ang FAMAS, Star Cinema, ang kanyang direktor at co-stars sa A Very Good Girl at ang lahat ng kanyang mga supporter.

“Your very good girl is a very happy girl tonight,” sey pa ni Kath.

Tawa naman ng tawa si Vilma Santos sa acceptance speech ni Piolo.

Si Ate Vi ang presentor sa Best Actor and Best Actress awards along with Christopher de Leon.

Sey kasi ni Piolo, “Marami po akong pasasalamatan pero marami na rin po akong nainom tonight.”

Habang nagsasalita nga si Piolo ay kapansin-pansin na paulit-ulit lang ang kanyang sinasabi kaya natawa si Ate Vi.

“Lasing ka na, anak!” natatawang sey ng Star for All Seasons kay Papa P.

Narito ang listahan ng mga nanalo sa FAMAS 2024:

Best Picture: Mallari
Best Actor: Piolo Pascual (Mallari) and Alfred Vargas (Pieta)
Best Actress: Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)
Best Director: Louie Ignacio (Papa Mascot)
Best Supporting Actor: LA Santos (In His Mother’s Eyes)
Best Supporting Actress: Gloria Diaz (Mallari)
Best Child Actor: Euwenn Mikael Aleta (Firefly)
Best Child Actress: Elia Ilano (Ghost Tales)
Best Screenplay: Enrico Santos (Mallari)
Best Editing: Benjamin Gonzales Tolentino (Iti Mapukpukaw)
Best Cinematography: Carlo Mendoza (Gomburza)
Best Production Design: Marielle Hizon (Mallari)
Best Musical Score: Teresa Barrozo (Iti Mapukpukaw)
Best Visual Effects: Mallari
Best Sound: Rewind
Best Original Song: Finggah Lickin’ (Becky And Badette)
Best Documentary: Maria
Circle of Excellence Award: Vilma Santos and Christopher de Leon
Special Citation Award: Gloria Romero
Bida sa Takilya Award: Dingdong Dantes and Marian Rivera

AUTHOR PROFILE