Ara

Ara maganda ang relasyon sa exes at mga anak

June 17, 2024 Aster Amoyo 386 views

SINGER, award-winning actress and entrepreneur Ara Mina is staging her first major solo concert to celebrate her 30th anniversary in showbiz on July 11, 2024 (Thursday), 8 p.m. at the Newport Performing Arts Theater at the Newport World Resorts. Originally, the concert was scheduled on her birthday last May but decided to move it to July 11 because of her busy schedule.

“I need to prepare for my concert pero nagdatingan ang maraming project kaya naurong ang concert ko to July 11,” pahayag niya during our exclusive interview with her for our online talk show, “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube.

Titled “Ara Mina: All of Me” the 45-year-old singer-actress will showcase her talent in singing and dancing with Concert King Martin Nievera as one of her special guests.

Ara was 14 nang siya’y maging bahagi ng dating afternoon youth-program, ang “That’s Entertainment” ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno on GMA at kasunod na rito ang pag-kontrata sa kanya ng Viva Artists Agency (VAA) kung saan din nakakontra hanggang ngayon ang kanyang (half) sister na si Cristine Reyes.

Ara met her biological father by accident when she was eighteen years old when she was asked to perform sa isang political rally kung saan naroon ang kanyang amang si Chuck Mathay, dating Quezon City congressman at anak ng dating Quezon City Mayor na si Ishmael “Mel’ Mathay. Isang kasamahan niya ang nagbiro na malaki umano ang hawig niya kay dating congressman Chuck Mathay. At yun ang naging simula ng pagkakakilala ng mag-ama.

Nang siya’y umuwi ng bahay ay saka niya tinanong ang kanyang ina kung si Cong. Chuck Mathay ba ang kanyang tunay na ama at doon lamang nito kinumpirma ng kanyang ina.

Nakilala ni Ara ang kanyang stepmom at dalawang nakababatang mga kapatid na sina Cris at Chuck Mathay who were very welcoming to her. Magmula noon ay naging constant na rin ang pakikipagkita ni Ara sa kanyang biological dad at pamilya nito pero hindi na niya binago ang kanyang birth family name na Reyes bilang respeto sa kanyang stepdad na si Danilo Reyes who treated her just like his own daughter at kinilala niyang ama. Very close din si Ara sa kanyang half-siblings (sa mother side) laluna ang bunsong si Princess with Down Syndrome na siya niyang naging inspirasyon kung bakit niya itinatag ang Ara Mina Foundation nung 2007.

Nagpa-seksi man noon si Ara sa ilan niyang pelikula ay hindi umano niya ito pinagsisihan dahil dito siya nakilala nang husto at naging paborito siyang leading-lady ng maraming major action stars tulad ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr., the late Rudy Fernandez at si Sen. Ramon `Bong’ Revilla among others.

Naging colorful din noon ang lovelife ni Ara. Naging nobyo niya ang ex-husband ni Aiko Melendez, ang actor-politician na si Jomari Yllana magaing ang actor na si Polo Ravales at ang politician na si Patrick Meneses kung kanino siya may isang anak na si Amanda Gabrielle who will be turning 10 on December 7.

Maganda ang relasyon ni Ara sa kanyang ex-partner na si Patrick Meneses dahil na rin sa kanilang anak na si Amanda na carbon copy ng ama.

Naging guest pa ng mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez si Patrick and his current girlfriend sa kanilang wedding in Baguio City nung June 30, 2021.

Ara got engaged to her husband now na si Dave, dating board member ng Laguna at businessman nung January 13, 2021 na sinundan ng kanilang grand wedding nung June 30, 2021 in Baguio.

Tulad ni Ara, si Dave ay may isa ring anak na babae sa kanyang ex-partner na si Rina Navarro na si Kirsten Almarinez who competed in the Miss Teen Universe competition in Spain.

Ara is very close to her stepdaughter na si Kirsten na close din sa daughter ng singer-actress (sa politician na si Patrick Meneses) na si Amanda.

“Para silang tunay na mag-ate,” natutuwang kuwento ni Ara.

After her concert in July, Ara will focus on having a baby with her husband na matagal ding na-postpone dahil sa kanilang respective busy schedules.

Angela nag-iwan ng magagandang kanta

NEW York-born and raised American singer-songwriter of Cuban and Puerto Rican parents Angela Bofill died in the morning of June 13, 2024 sa tahanan ng kanyang kaisa-isang anak na si Shauna Vincent (from her ex-husband, ang country singer na si Rich Vincent). She was 70 years old. Prior to her death, dalawang beses siyang nagka-stroke, nung January 10, 2007 which left her left side paralyzed at nung July 2007 which impaired her speech and mobility.

Angela married American country singer Rich Vincent nung 1984 na tumagal hanggang 1994 at nagkaroon sila ng isang anak na si Shauna.

Nang magkasakit si Angela, her daughter Shauna took her to stay with her in Vallejo, California until her death nung June 13, 2024.

Pumanaw man si Angela, mananatiling buhay ang kanyang mga iniwang classic hit songs tulad ng “Break It To Me Gently,” “This Time I’ll Be Sweeter,” “Angel of the Night,” “Angie,” “What I Wouldn’t Do (For the Love of You),” “I Try,” “Tonight I Give In,” “Too Tough,” “Stop Look Listen,” “Under the Moon Over the Sky,” “Time To Say Goodbye,” “Something About You” at iba pa.

Angela had a successful concert in Manila nung 1983 at the Philippine Convention Center (PICC) at kasunod na rito ang pag-release kanyang album na pinamagatang “Angela Bofill: Live in Manila” the following year.

Robb handang ma-bash dahil sa crush

INAMIN ng Vivamax sexy star na si Robb Guinto na crush umano niya ang Presidential son at kongresista na si Sandro Marcos dahil sa pagiging matalino nito tulad ng kanyang namayapang Presidenteng grandfather na si Ferdinand Marcos, Sr. at ama nitong si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Ano kaya ang mararamdaman ni Robb kapag nakaharap nito ang Presidential son na si Cong. Sandro?

“Siguro matutunaw ako,” pahayag ng “Unang Tikim” star.

Handa pa ba siyang ma-bash dahil sa pagkakaroon niya ng crush sa Presidential son?

“Wala naman sigurong masama na magkaroon tayo ng crush sa ibang tao,” paliwanag niya.

Up-close, ang beauty ni Robb ay cross between Kathryn Bernardo and Mariel Rodriguez. Kahit nagpapa-sexy siya, may goal umano siya sa buhay, ang mabigyan ng madandang buhay ang kanyang (separated) parents.

“Hindi naman po ako magpapa-sexy forever,” diin niya na tulad ng ibang sexy stars na nakilala sa industriya bilang mahuhusay na artista, ito rin umano ang path na gusto niyang tahakin.

Nahinto umano ang kanyang pag-aaral dahil sa pagpasok niya sa showbiz. Pero kapag nagkaroon umano siya ng pagkakataon ay gusto niya itong ipagpatuloy at tapusin.

Unti-unti na ring nakakamit ni Robb ang kanyang mga pangarap ngayong naka-tawid na siya sa mainstream at hindi na lamang siya sa Vivamax streaming app napapanood. Siya’y kabilang sa sa napapanood ngayon sa hit action-drama TV series na “Black Rider” on GMA na pinagbibidahan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid.

“Ang sarap ng pakiraramdam na napapanood ka na ng mas nakararami sa telebisyon,” bulalas niya.

Kahit naghuhubad si Robb sa kanyang mga pelikula na palabas sa Vivamax, nag-set siya ng sariling limitations tulad ng paghimas and licking sa kanyang boobs na never umano niyang papayagang mangyari.

Robb was in a four-year relationship sa isang South Korean national bago umano siya nagpa-sexy pero ito’y nauwi sa hiwalayan.

At present ay wala umano siyang nobyo dahil naka-focus ang kanyang attention sa kanyang career.

Kasaluyang nagpapatayo ng sariling bahay ang Vivamax star sa Imus, Cavite at pagkatapos nito ay bibigyan naman umano niya ng sariling bahay ang kanyang ama kung kanino siya merong two younger half brothers. May dalawa rin siyang half-siblings sa mother side.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE