Joaquin

MAG-AMANG JOAQUIN AT ISKO PAREHONG GERMAN MORENO AWARDEES

May 27, 2024 Jun Nardo 110 views

WINNER din sa katatapos na FAMAS si Joaquin Domagoso ng German Moreno Youth Achievement Award na laan para sa kabataang artista na promising at may achievements na.

Ang mag-partner na sina Federico Moreno at Harlene Bautista ang nagpatuloy ng sinimulan ng yumaong Master Showman na si German Moreno.

Ganito ring award ang natanggap ni Isko Moreno noong 1994, ayon sa post ng manager ni Joaquin na si Daddy Wowie Roxas.

Anyway, gusto rin naming batiin si Konsehal Alfred Vargas na nanalo ng best actor para sa pelikulang Pieta.

Ka-tie niya si Piolo Pascual, na wagi naman for his movie Mallari.

Congratulations sa lahat ng winners!

AUTHOR PROFILE