Andi

Panlalait ng haters sinagot ni Andi

May 27, 2024 Vinia Vivar 112 views

Sinagot ni Andi Eigenmann ang mga basher niya na nagsasabing pinabayaan na niya ang kanyang sarili at hindi na siya nag-aayos.

Ipinost ng aktres ang kanyang iba’t ibang OOTD sa Siargao. Makikita rito na simpleng-simple lang ang kanyang pananamit na madalas ay naka-t-shirt and shorts o ‘di kaya ay naka-swimwear lang.

Sa caption ni Andi, kahit pa sabihin ng mga hater niya na pinabayaan na niya ang kanyang sarili, dito raw siya kumportable.

“Hat3rz would say, ‘pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos…’ I would say… komportable chìc! Or… Qrated pangbahay realness!

Pretty much the only thing I dont do on purpose is forget my slippers,” sey ng celebrity wife and mom.

Inayunan naman si Andi ng kanyang supporters at pinayuhang dedma na lang sa bashers.

Narito ang ilan sa mga positive comment:

“Hahaha I mean.. you look great either way.. so, why bother?”

“Doesn’t matter what you wear, it’ll always look hip and chic and you are such a natural beauty, so effortless no matter what!!!”

“Love all the looks po!!!!”

“If it’s okay to be naked, I will be all the time with messy hair but heart full of happiness, contentment and peace. Some people will never understand us specially when it’s coming from the ego.”

“Pretty ka naman Ands kahit ano suot mo. haters gonna hate. Tumirik pa mga mata nila.”

AUTHOR PROFILE