Richard

Relasyong Richard-Barbie lantad na?

May 28, 2024 Aster Amoyo 121 views

BarbieBarbie1IT was in January this year nang mag-viral ang isang video na in-upload ng isang netizen na nakakitang magkasama sa isang gastropub in Alabang, Muntinlupa sina Richard at Kapamilya actress na si Barbie Imperial pero may kasama silang ibang kaibigan. Muling naispatan ang dalawa na magkasama kamakailan lamang na South Korea at nakunan ang dalawa ng isa pang netizen.

Although wala pang kumpirmasyon na nagmumula kina Richard at Barbie tungkol sa kanilang relasyon, ang mga uploaded photos ng netizens ang makakapagsabi na may espesyal na namamagitan sa dalawa.

Richard is 40 habang 25 naman si Barbie.

It was in November 2023 nang makumpirmang hiwalay na si Richard kay Sarah Lahbati but it was only March 2024 nang personal itong kumpirmahin ng Filipino-Swiss Viva actress. Ang dating celebrity couple ay may dalawang anak na sina Zion at Kai na nasa pangangalaga ng aktres pero malayang nakukuha ng Kapamilya actor.

As early as October 2023 ay nag-surface na ang paghihiwalay ng dalawa pero walang gustong magsalita sa magkabilang kampo hanggang magpahiwatig ang ina ni Richard na si Annabelle Rama na sa kanila na umuuwi si Richard.

Hindi na magkasama sina Richard at Sarah with their two sons nung nakaraang Pasko at Bagong Taon. Lumipat na rin sa ibang bahay si Sarah kasama ang dalawang anak nila ni Richard na sina Zion at Kai.

Ngayong tila lantad na ang relasyon nina Richard at Barbie, ayaw nang mag-komento ni Sarah na unti-unti namang bumabangon ang career sa tulong ng Viva kung saan siya naka-kontrata. Hindi rin umano on speaking terms ang dating couple hanggang ngayon.

Napapanood ngayon si Sarah sa TV remake ng 1986 action-drama movie na “Lumuhod Ka sa Lupa” on TV5 kung saan niya mga kasama sina Kiko Estrada, Rhen Escano, Sid Lucero at iba pa. Ito bale ang comeback project ni Sarah sa kanyang home studio, ang Viva.

Yassi magiging first lady ng Camarines Sur?

YassiIT was in August 2023 nang mapabalitang hiwalay na ang Filipina-British actress, dancer, host and celebrity endorser na si Yassi Pressman sa kanyang Filipino-Canadian ex-fiance, ang businessman na si Jon Semira.

Kung kailan nagkahiwalay ang dalawa ay doon lamang nag-circulate ang video ng engagement ng dating engaged couple. Months later ay naging visible naman si Yassi (29) na kasama ang batang gobernador ng Camarines Sur na si Luigi Villafuerte (27). Magmula noon ay naging bukas na sa publiko ang relasyon ng dalawa lalupa’t parating present ang actress sa mga espesyal na okasyon ng gobernador sa Camarines Sur at very transparent din ang dalawa sa kanilang pagmamahalan sa publiko at sa harap ng mga constituents ng batang gobernador na nagmula sa family of politicians mula sa kanyang grandfather na si Luis Villafuerte, Jr. sa kanyang ama na si Luis Villafuerte, Jr. maging sa kanyang kapatid na si Miguel Villafuerte.

Si Yassi na nga kaya ang magiging First Lady ng Camarines Sur?

Direk Darryl: ‘Bashing is cash’

DarylMAGMULA nang gawin ng young writer-director, producer and social media influencer na si Darryl Yap ang 2022 mega hit political-drama movie na “Maid In Malacanang” sa bakuran ng Viva na tumabo sa takilya (worldwide) ng mahigit P700-M, isang pelikula lamang ang kanyang ginawa nung taon `yon at isa rin nung 2023, ang prequel na “Martyr or Murderer” na isa ring political drama. Balik naman this year ang batang director sa isang romantic comedy, ang “Seoulmeyt” kung saan tampok ang magkasintahang Kim Molina at Jerald Napoles.

Kung dati-rati’y halos buwan-buwan ay may bago siyang movie na palabas sa Viva streaming platform na Vivamax, ngayon ay bihira na siyang gumawa dahil sa kanyang busy schedule on TV commercials directing maging ang pagsusulat at pagdidirek for his various political clients although meron umano siyang pinirmahang kontrata sa Viva na kailangan niyang gumawa ng pelikula at least twice a year. Pero nahihirapan pa umano siyang gawin ito dahil sa kanyang tight schedule.

Sa aming exclusive na panayam kay Direk Darryll for our online talk show on my YouTube channel, ang “TicTALK with Aster Amoyo” ay inamin nito na si Boss Vic del Rosario ng Viva ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa pagdidirek on mainstream na kanyang sinimulan in 2019 sa launching movie ng singer-actress na si Kim Molina sa pamamagitan ng “#Jowable” na naging hit sa takilya. Since then ay naging sunud-sunod na ang paggawa niya ng mga pelikula but this time on Vivamax streaming platform dahil sa pandemic.

“I launched Vivamax sa pamamagitan ng pelikulang “Paglaki Ko ay Gusto Kong Maging Pornstar” which also launched the career of Jeric Raval’s daughter na si AJ Raval,” ani Direk Darryl.

Since then ay naka-16 movies na siya sa Viva kung saan siya nakakontrata for ten years at meron pa umano siyang natitirang tatlong taon sa kumpanya.

“I am grateful to Boss Vic (del Rosario) dahil siya ang tumupad ng aking mga pangarap,” aniya.

When he signed-up with Viva, part of the package ay isang brand new car at condo unit na kanyang magagamit since sa Olongapo siya nakatira with his retired teacher parents.

He received his first branded (Louis Vuitton) bag from megastar Sharon Cuneta nang gawin nila ang pelikulang “Revirginized” at naging simula ng pagkakaibigan ng dalawa. Naging very close naman siya kay Sen. Imee Marcos during the Presidential campaign period in 2021 for the now President Bongbong Marcos. Tumulong din umano siya sa campaign strategy for Sen. Jinggoy Estrada at siya ang nag-coin ng “Jinggoy Cutie”.

Si Direk Darryl ay nagtapos ng Mass Communication degree sa Centro Escolar University at Public Administration in Nanyang Technological University in Singapore.

Since his elementary grades ay nagpakitang gilas na si Direk Darryl sa pagiging mahusay sa klase which he carried on until college and made his parents (na parehong teacher) proud.

Dahil School Supervisor on Sports ang kanyang ama, tinuruan siya sa iba’t ibang sports at kasama na rito ang swimming at taekwondo (nang labag sa kanyang kagustuhan) pero ginawa niya ito to please his father.

“Black belter po ako sa taekwondo kaya beware my bashers,” natatawa niyang warning sa kanyang mga bashers.

Nasa elementary pa lamang siya ay mahilig na umano siyang magsulat ng mga poem at may leaning na umano siya sa larangan ng arts at dito nagsimula ang kanyang interes sa stage plays.

Early on ay halata na umano ng kanyang ina na isa siyang gay habang wala namang idea ang kanyang ama. Ipinaalam lamang umano niya ito sa kanyang father nang ipakilala niya ang kanyang first boyfriend. Pero hindi umano siya nakaramdam ng rejection sa kanyang ama at sa halip ay sinuportahan siya nito. Isa lamang umano ang pakiusap nito sa kanya na wag siyang gagawa ng isang bagay na siya’y mapapahiya at masasaktan ng ibang tao.

Kung noon ay nakikitira lamang sila sa kanilang mga kamag-anak kasama ang kanyang younger sister na isa na ngayong nurse at nasa London, ngayon ay nabigyan na ni Direk Darryl ang kanyang parents ng disenteng pamumuhay, tirahan at sasakyan sa Olongapo City kung saan sila ipinanganak at lumaki ng kanyang kapatid.

Hindi ba naman nasasaktan ang kanyang parents laluna ang kanyang ina sa mga bashings na kanyang natatanggap? \

“At first she was pero ngayon ay sanay na rin sila. I told them na wag na nilang papansinin because `bashing is cash,’ aniya.

Kahit si Direk Darryl ay naging parte na ng kanyang buhay ang bashing with matching death threats pa umano.

“Nagpapakatotoo lang naman kasi ako. This is me,” dugtong pa niya.

Direk Darryl is his own persona. Wala siyang pretensions at hindi siya sumusunod sa traditional procedure bilang isang writer at filmmaker.

He does not direct if it is not his own material. Ganun siya ka straightforward. Although hindi siya sumailalim ng sariling writing workshop ng National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee, he considers him his mentor and adviser. He would call him whenever he seeks for his advise na never umanong umayaw na siya’y payuhan.

Sa rami ng mahuhusay na actors, gusto niyang makatrabaho sina Vilma Santos, Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz, among others, balang araw.

“Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at marami pa akong gusto makatrabaho sa industriyang ito,” ani Direk Darryl who is only 36 years old.

“I thank God for all the blessings na patuloy na dumarating sa akin,” pagtatapos niya.

Samantala, inamin ni Direk Darryl na meron umano siyang partner ngayon at limang taon na ang kanyang relasyon. When he was younger, he had two girlfriends at nakipag-break siya sa huli nang malaman niya sa kanyang sarili na mas gusto niya ang men more than women.

“He brings out the best in me, very supportive and my check balancer,” description niya sa kanyang present partner na hindi niya pinangalanan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE