Liza

PBBM pinirmahan ang Eddie Garcia Law

May 27, 2024 Vinia Vivar 174 views

Sa wakas ay napirmahan na ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang Eddie Garcia Bill kaya naman ito ay isa nang batas ngayon.

Inanunsyo ni dating FDCP (Film Development Council of the Philippines) chair na si Liza Dino-Seguerra ang magandang balita sa kanyang Instagram post ngayong araw.

“BREAKING!!!!!! The Eddie Garcia Bill is now… THE EDDIE GARCIA LAW.” ang pahayag ni Liza.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang aktres sa lahat ng tumulong at nakiiisa para maisakatuparan ang nasabing panukala para proteksyonan ang ating manggagawa sa pelikula.

“Thank you for all those who became part of this journey and made it happen.Sa mga nag-umpisa at nagpatuloy, Sa lahat ng nakiisa at di nawalan ng pag-asa, Sa mga binatikos pero di natinag, Sa mga naniwala, at nagsakripisyo, Para natin ang pagbabago…SALAMAT PO,” saad pa ni Liza.

“This is for you Tito Eddie. This is your legacy to our Philippine Film Industry,” aniya pa.

Ang Senate Bill No. 2505, o ang panukalang “Eddie Garcia” ay magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon mula sa hindi patas na pagtrato at magsisiguro ng maayos na kondisyon sa trabaho.

Matatandaang sumakabilang-buhay si Eddie matapos maaksidente habang nasa set ng teleseryeng ginagawa noong 2019. He died at the age of 90.

AUTHOR PROFILE