Christine Larawan mula sa IG/Christine Samson

‘Body goals’

June 17, 2024 People's Tonight 152 views

MATUTULIRO ang lahat ng kelot na mapaglaro kapag tumitig na sa nakakahibang na katawan ng social media star at aktres na si Christine Samson.

Abot langit ang mga ngiti ng kanyang male fans sa biyaheng langit na patakam sa ibinandera niyang larawan sa Instagram.

Makikita nga sa nasabing post na todo ngiti rin si Christine na para bang isang anghel habang naglalagablab ang kanyang “body goals” sa suot na two-piece bikini.

“Woke up in paradise,” maikling caption niya sa kanyang post.

Hindi lang ang social media star ang nagising sa paraiso, maging ang mga kalahi ni Adan ay gising na gising sa kanyang sex appeal.

Walang duda, master na sa pagpukaw ng atensyon ng mga kalalakihan si Christine, dahil effortless niyang makukuha ang kanilang titig sa pamamagitan ng ganitong mga post.

Sumirit sa comment section ang mga papuri sa ibinidang wangkata ng model-actress. Pinaulanan nila ng puso at fire emojis ang mga larawan ni Christine.

AUTHOR PROFILE