Baron

Baron nailang sa kissing scene kay Cristine

March 14, 2024 Aster Amoyo 106 views

ALTHOUGH nagkatrabaho na noon sina Cristine Reyes at Baron Geisler, the two lead stars of “Dearly Beloved” admit na magkaibang-magkaiba ang kanilang naging working experience sa bago nilang proyekto dahil na rin sa kanilang past experiences at pareho na rin silang nag-mature at iba na ang kanilang mga pananaw sa buhay.

During the presscon ng “Dearly Beloved” na pinamahalaan ni Marla Ancheta, the director behind the hit Netflix movie “Doll House,” inamin ni Baron na sobra umano siyang kinabahan sa mga love scenes nila ni Cristine who has transformed not only as a very good actress but also a beautiful woman that she is today. Napansin umano ito ni Cristine sa kanya at sinabihan siyang “Let’s do it!” at doon umano siya biglang `nagising’.

“I have to admit na na-intimidate ako kay Cristine,” pag-amin ni Baron.

“I know kung gaano kaganda at kagaling na artista si Cristine kaya sobra po akong na-intimidate sa kanya,” pahayag pa ng mahusay na actor na napakarami ring pinagdaanan sa kanyang personal na buhay maging sa kanyang karera bilang actor.

“Kung magaling na noon pa man si Cristine, mas magaling siya dito sa movie namin,” pagmamalaki pa ni Baron who is reunited with his “Doll House” director na si Direk Marla.

Naging malaking challenge ang pelikulang “Dearly Beloved” kina Cristine at Baron which is relatable to both them at sa mga manonood dahil nangyayari ito sa tunay na buhay, ang pagkakaroon ng blended family at kung paano nila ito ibabalanse sa kanilang past lives and relationships laluna pagdating sa kanilang mga anak sa kanilang previous partners kung kanino sila kasal at hindi pa sila annulled.

It is an open secret na may isang anak si Cristine sa kanyang ex-husband na si Ali Khatibi. Cristine is now in a relationship with her co-Viva actor na si Marco Gumabao.

Baron for his part, has been involved in a lot of controversies in the past involving his personal life and career. He was in a rehab (for alcoholism) when he met his current wife, Jamie who is a psychologist and has two sons from a previous relationship. Ayon sa actor, niligawan din umano niya ang dalawang anak nito bago siya nakapasok sa buhay nila and considers the two sons just like his own kahit meron na silang sariling anak ni Jamie. The actor has also children from his past relationships which he’s trying to connect to his present family.

“Maraming paghuhugatan ng lessons ang pelikula,” paniniguro ni Cristine.

The tear-jerking drama movie also stars Phoebe Walker who plays the role of Rhoan (Deo’s ex-wife played by Baron), JC Tiuseco as Keith (Shel’s ex-husband played by Cristine) kasama ang mga child actors na sina Althea Ruedas (na nakasama ni Baron sa “Doll House”), Robbie Wachtel, Tyro Daylusan, Ivan Padilla, Rey `PJ’ Abellana, Marissa Sanchez, Ana Luna, Erica Ladiza, Guji Lorenzana at Nicco Manalo.

The movie produced by Viva Films hits the theaters on March 30, 2024.

Engagement di garantisadong mauuwi sa kasalan

IT is no guarantee na ang isang engagement ng isang couple ay mauuwi sa kasalan tulad na lamang sa nangyari sa dating engaged celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na nauwi sa hiwalayan.

Unknown to many, hindi lamang sina Bea at Dom ang celebrity engaged couple na nagkahiwalay. Nangyari rin ito sa dating magkasintahan of five years at engaged couple na sina Yassi Pressman at Canada-based businessman na si Jon Semira. Ang engagement ay lumabas lamang sa publiko matapos magkahiwalay ang dalawa nung isang taon.

The well-planned engagement (attended by their families and closest friends) ay ginanap sa Rancho Bernardo in Bagac, Bataan kung saan din ikinasal ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna nung November 11, 2021.

Yassi and Jon met in Canada nung July 27, 2017 and has been inseparable since then. A year after they met, nag-move sa Philippines si Jon to be near his girlfriend then.

Just when everybody thought na mauuwi sa kasalan ang relasyon ng engaged couple, they broke up last year at kung kelan hiwalay na ang dalawa ay saka lamang lumabas ang video ng romantic engagement nina Yassi at Jon na nag-trending pa.

Marami siyempre ang nanghinayang laluna ang mga taong naging witness sa pag-iibigan ng dalawa.

Si Jon ang co-founder ng Wavee, isang personal care line. He’s also the COO of Wewe Media Group, a marketing agency in Singapore. He’s also part ng Presidential Paws, isang pet accessories which he put up along with Yassi and sister Issa Pressman.

Ngayong hiwalay na sina Yassi at Jon, the former is now in a romantic relationship with Camarines Sur young governor na si Luigi Villafuerte (27).

Andi naramdaman ang pagmamahal ng mga tao kay Jaclyn

HINDING-hindi makakalimutan ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann ang outpouring ng pagmamahal ng mga tao (in and out of the industry) na ipinakita sa kanyang yumaong ina, ang well-loved and award-winning actress na si Jaclyn Jose na pumanaw nung March 2, 2024 dahil sa sakit sa puso. She was 60.

Babaunin niya sa kanyang muling pagbabalik sa Siargao with her family ang magagandang alaala ng kanyang ina kahit patuloy niyang ipinagluluksa ang untimely demise nito gayundin ng kanyang nababatang kapatid na si Gwen sa pagbabalik nito sa Amerika.

Ulilang lubos na si Andi whose father, the late Mark Gil died on September 1, 2014 due to liver cirrhosis.

Although nagpakita rin ng suporta ang ibang mga kaanak ni Andi sa father and mother side, hinding-hindi niya makakalimutan ang extra effort ng ipinakita sa kanya ng kanyang elder (half) brother na si Gabby Eigenmann who was there with her from day one hanggang sa maihatid sa huling hantungan ang kanyang mahal na nanay. Nangako rin ang kanyang Kuya Gab na hindi sila pababayaan ng kanyang mga anak.

Mananatili sa puso’t isipan ni Andi ang masasaya niyang alalala sa kanyang namayapang ina.

Hindi rin nagpabaya ang ex-boyfriend at ama ng kanyang panganay na si Ellie na si Jake Ejercito na nangakong hinding-hindi niya pababayaan ang panganay na apo ng namayapa.

Although matagal nang engaged sina Andi at Philmar, hindi na inabutan ni Jaclyn ang planong pagpapakasal ng dalawa.

Nung nabubuhay pa si Jaclyn, kasama sa kanyang inspirasyon bilang ina at actress ay ang kanyang iniwang dalawang anak na sina Adi at Gwen at tatlong apo na sina Elli, Lilo at Koa.

David may pagkakataon na kay Kathryn

SA darating na March 28 ay 28th birthday ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo at ito ang first birthday niya na hindi niya kasama ang kanyang dating nobyo, ang Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla since their celebrated break-up in November last year.

But Kathryn is surrounded by people na tunay na nagmamahal sa kanya, ang kanyang pamilya, matatapat na kaibigan and her fans na patuloy na sumusuporta at nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.

Marami ring silent admirers ang dalaga na tila isa-isa na sigurong nagpaparamdam sa kanya ngayong malaya na siyang muli.

Ang mga fans nina Kathryn at Kapuso prized star na si Alden Richards ay patuloy na umaasa na sana’y muling gumawa ng pelikula ang dalawa after their record-breaking movie in 2019, ang “Hello, Love, Goodbye”. Single pa rin hanggang ngayon ang singer, actor at entrepreneur at walang napapabalitang girlfriend kaya patuloy silang pinu-push ni Kathryn.

Ang isa pang tagahanga ni Kathryn ay ang Kapuso actor na si David Licauco na hindi itinatago ang paghanga sa dating kasintahan ni Daniel Padilla.

Aminado ang ka-loveteam ni Barbie Forteza na fan umano siya si Kathryn at pinanood umano niya ang mga pelikula nito maging ang mga pelikulang kasama si Daniel.

Sa recent fashion week ng Bench kung saan pareho sila ni Kathryn kabilang, nagkaroon ng pagkakataon si David na makadaupang palad ang dalaga kaya hindi siya nagsayang ng panahon for a photo op with her bilang isang tagahanga.

Marami naman ang nagtanong kay David kung gusto niyang makatrabaho si Kathryn na agad niyang sinang-ayunan.

Kasama umano sa mga pangarap niyang makatrabaho ay si Kathryn.

Hindi naman siguro magagalit ang mga fans ng BarDa nila ni Barbie Forteza dahil sa totoong buhay ay meron nang Jak Roberto nagma-may-ari sa kanyang puso habang nanatiling single si David at walang girlfriend.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE