Sandara

Basaan music fest gustong pausuhin ni Sandara sa ’Pinas

May 6, 2024 Vinia Vivar 79 views

Nagtataka si Sandara Park kung bakit walang Waterbomb Music Festival sa Pilipinas lalo pa nga’t napakainit sa ating bansa.

Sa kanyang X account ay nagtanong ang K-pop idol na dating aktres sa ‘Pinas.

Aniya, “Bakit walang Waterbomb Philippines? Ang hot hot!!! Nga sa Pinas.”

Ang Waterbomb Music Festival ay nagsimula sa South Korea noong 2015 at isinasagawa ito every summer sa nasabing bansa.

It’s a musicfest na habang nagpe-perform ang mga K-pos artist and idol ay may mga showering of water na nagaganap sa buong crowd at maging sa performers.

Gumagamit sila ng malalakas na water cannons para basain ang buong paligid at maging ang audience ay may dala-dala ring water guns at nagbabasaan. Kaya kung dadalo ka sa nasabing festival, dapat ay handa kang mabasa.

Dahil nag-hit ang Waterbomb Music Festival sa Korea, mayroon na rin ito ngayon sa ibang bansa tulad ng Japan, Thailand, Dubai, Taipei, Hong Kong, China, Vietnam at Singapore.

Pero ang Pilipinas, wala pa as of now.

Aliw ang sagot ng mga netizen sa tanong ni Sandara.

“May krisis daw sa tubig ate, kailangan magtipid,” sagot ng isang netizen.

“Oh!!!! I understand,” sagot naman ni Dara.

Sey naman ng isa pa, “Ati meron yung fiesta sa san juan na basaan joke hahahahahh.”

“Wala din kasing tubig hehe,” sabi naman ng isa pa.

Marami naman ang nag-suggest na dapat ay magkaroon din tayo ng Waterbomb Music Fest lalo na sa klase ng weather natin.

AUTHOR PROFILE