Ivana

Entry ni Ivana sa ‘sardinas challenge’ nag-viral

May 26, 2024 Vinia Vivar 78 views

Nag-viral ang video ni Ivana Alawi kung saan kumain siya ng sardinas na nakakamay.

Ibinahagi ni Ivana ang nasabing video na ni-reshare ng mga netizen kaya mabilis na nag-viral.

Kwento ng aktres/content creator, nag-crave siya ng sardinas dahil lagi niya itong nakikita sa social media.

Nagkaroon kasi ng ‘sardinas eating challenge’ lately na sinimulan ng isang content creator kaya hindi kataka-takang nakita ito ni Ivana.

Sa video ng aktres ay makikitang katatapos niyang mag-taping ng FPJ’s Batang Quiapo at hindi pa siya nagdi-dinner.

Agad siyang umuwi ng bahay, nagbukas ng isang lata ng sardinas at ibinuhos ang lahat ng laman sa kanin. Pinigaan pa niya ng calamansi at nilagyan ng sili. Pagkatapos, kumain siya nang nakakamay.

Sarap na sarap ang aktres habang kumakain at ang dami niyang naalala tuwing kumakain nito dahil mula bata siya ay kinakain na niya ang nasabing de-latang pagkain.

Sa huli ay nagpaalala si Ivana na anuman ang pagkain sa hapag-kainan ay dapat nating ipagpasalamat dahil blessing ito.

JESSY NA-HAGGARD KAY ROSIE

Na-haggard nang bongga si Jessy Mendiola dahil may sakit ang anak nila ni Luis Manzano na si Rosie.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram Story ang larawan nilang mag-ina at makikita nga sa mukha niya na super-tired siya at may eye bags, senyales na mukhang binantayan niya magdamag si Baby Rosie.

Makikita rin na may nakalagay na patch sa noo ng bagets.

Ani Jessie, iba talaga ang stress kapag may sakit ang anak mo.

Caption niya, “Please get well soon na, my baby girl. Iba talaga ang stress na dala kapag may sakit ang anak mo.”

Hindi na sinabi pa ng misis ni Luis kung ano ang sakit ng kanilang anak. Pero for sure, normal na sakit lang ito ng bata at wala namang dapat ikaalarma.

AUTHOR PROFILE