LGBTQ

Kagalingan ng LGBTQIA+ community kinilala

June 17, 2024 PS Jun M. Sarmiento 184 views

UPANG WAKASAN na ang sexual na diskriminasyon na lumalait sa ating mga kababayan na miyembro ng LGBTQIA+ na komunidad, pinangunahan mismo ni Sen. Cynthia A. Villar ang pagdiriwang ng 1st Pride Month Celebration bilang pagpupugay at pagpapakita rin ng suporta sa mga ito.sa Las Piñas City kasabay ng panawagang wakasan ang sexual discrimination.

“We are celebrating the different sexual orientations, gender identities, and expressions, which encourage acceptance and respect in our city,” giit ni Villar.

Inihayag din niya na layunin ng Pride Month Celebration ay upang tukuyin ang kahalagahan, abilidad, kaguwapuhan at kagandahan at mga adbokasiya ng ating LGBTQIA +community.

“Today, we are happy to be together to appreciate the significance and beauty of our differences,” ani pa ng senador na sinamahan sa pagdiriwang ng kanyang mga anak na sina also said the Senator Mark Villar at House Deputy Majority Leader Camille Villar at ng mga konsehal at opisyal ng barangay.

Sa kabila ng mga pagkakaiba, iginiit ni Villar na maaari rin naman tayong magkaisa at maging masaya at isantabi ang diskriminasyon na hindi na dapat aniya pinaiiral.

“I am so happy to see the LGBTQIA+community of Las Piñas proudly participated in our celebration today,” ani ng senador na nagsabing naaliw siya sa makululay at magagadang suot ng mga lumahok sa parada at sa “Las Piñas Binibining Bahaghari 2024 Pageant.”

“You are all wonderful! Our celebration of Pride Month was filled with merry-makings and amazing things which started with the Pride Parade participated by all barangays and associations of our LGBTQIA-+community here in Las Piñas”

Ani senadora, nagningning at naging makulay ang pagdaan ng parada. Ang mga sigaw at palakpapak ang naging inspirasyon ng mga lumahok para mas higit nilang galingan ang kanilang performances. Naghatid din sila ng senyales na- “there is unity and love in diversity.”

Bukod sa pagpili ng most beautiful gay sa siyudad na ginanap sa The Tent, pinarangalan din ng mga Villar ang mga Las Pinero na kasapi ng LGBTQIA+community dahil sa kanilang natatanging nagawa sa larangan ng beauty and fashion, culture and arts; sports; community service; education and academe; and livelihood.