Derek2

Netizens naintriga sa post ni Derek: Ellen, buntis?

June 16, 2024 Vinia Vivar 184 views

Naintriga ang netizens sa latest post ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram.

Nag-post ang aktor ng mga sweet photo nila ng misis na si Ellen Adarna. Pero ang intruiging part ay ang kanyang caption.

“Can’t wait @maria.elena.adarna Alam mo na! Lol,” sey ni Derek.

Sumagot naman si Ellen ng “When are u coming home ba???? Lol.”

Reply naman ni Derek, “soooooooon! Relax ka lang dyan ok??”

Ang hinala ng netizens, buntis si Ellen sa first baby nila ni Derek kaya nagpahatid na nga ang mga ito ng pag-congratulate sa mag-asawa.

Narito ang ilan sa mga comment: “I always have this feeling that Ellen is expecting. She does not have any new post showing her whole body. I will be happy for them!!”

“Preggy yan??”

“Can’t wait for the baby dragon.”

Matatandaan na last year ay nagkaroon ng miscarriage si Ellen sa first baby sana nila ni Derek. Pero ayon sa aktor ay hindi sila titigil hangga’t hindi natutupad ang pangarap nilang magkaroon ng anak.

As we all know ay may anak na pareho sina Derek at Ellen mula sa kanilang past relationships bago pa man sila ikasal.

AUTHOR PROFILE