Heart

Heart suko nang magkaanak

May 26, 2024 Vinia Vivar 82 views

Matapos makunan ng apat na beses, sinabi ni Heart Evangelista na hindi na siya humihiling pa kay Lord na magkaroon ng anak at tatanggapin na lang niya kung ano ang ibigay sa kanya.

Sa live session ng global fashion icon sa Instagram nitong Biyernes, natanong ang aktres ng isang netizen kung ano ang laman ng kanyang prayers lately.

“I just pray for God’s will. I used to pray a lot for certain things and in fairness naman sa Kanya, binibigay Niya sa akin, but I think, at a certain age, you kinda just pray for what you know, the grace to accept what God wants for you.

“Because you know, as you grow older and you go through life, not everything kinda goes to your way, not everything you like is given to you. But sometimes, it is still a blessing. Like for example, you know, I would pray for having a baby,” pahayag ni Heart.

She recalled na nang makunan siya sa kanyang twins ay na-traumatize siya na ayaw na niyang magkaroon ng anak.

“Before, I remember, I lost my twins and I was very traumatized by that and I didn’t want a baby. In fact, I was very afraid to have a baby. Inisip ko, maybe hindi binigay sa akin ‘coz I’m not a good mom, I’m not gonna be a good mom.

“So, parang takot ako (with) the idea, I get hives with the idea,” aniya.

“And then, there was a time that I was ready to have a baby, and then, hindi naman binigay sa akin,” she added.

Kaya ngayon daw ay ipauubaya na lang niya kay Lord kung ano ang gusto Nito para sa kanya.

“Now, parang instead of complaining or instead of, you know, praying more and more na ibigay, of course I do (want), but I pray for what God wants and I pray for the grace to accept that.

“So, para peaceful lang ang life. Kung hindi binigay sa ‘yo, you be happy about it,” aniya.

“And you know, I’m really blessed, you know, I really have a good people around me, I have a good life, my husband is healthy, I’m healthy. So, wala na tayong hihingin pa. Kung ano na lang ang ibigay,” she said.

Pero siyempre, aminado siya na ikinawasak ng puso niya at iniyakan niya nang sobra ang nangyari.

“Wasak kung wasak. Iyak kung iyak. Pero ‘yun tayo, eh, you can’t have it all. So I’m not gonna be bitter. I’m just gonna be happy with what’s in front of me,” deklara ni Heart.

BIRTHDAY AT DEATH ANNIVERSARY

tuwing sumasapit ang May 8 ay nagdudulot ito ng masakit na ala-ala para kay Bianca Umali.

Ang araw na ito ay birthday ng kanyang ina and at the same time ay death anniversary naman ng kanyang ama.

Matatandaang pumanaw ang ina ni Bianca sa breast cancer when she was five at yumao naman ang kanyang ama sa heart attack when she was 10.

Kaya naman sa murang edad ay ulila na siyang lubos at ang kanyang Lola Vicky ang nagpalaki sa kanya.

Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Bianca ng old photo ng kanyang mga magulang at inalala ang kamatayan ng mga ito.

Ayon sa aktres, masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng kanyang parents pero kailangan niyang tanggapin.

“My Angels. As every year goes by… it gets harder and longer for me to process…,” pahayag ng aktres.

“Another May 8th has passed… it hurts… but it is what it is. I accept and know everything happens for a reason,” aniya pa.

“I love and I miss you 2 — so bad,” mensahe ng aktres sa yumaong magulang.

Bumuhos naman ang mga nagpadala ng virtual hugs kay Bianca sa comment section kabilang na ang kapwa niya celebrities.

AUTHOR PROFILE