Loisa Larawan: Loisa Andalio/IG

Pasavogue

June 17, 2024 People's Tonight 147 views

HINDI lang performance ng aktres na si Loisa Andalio ang inabangan ng kanyang mga tagahanga kundi pati na rin ang kanyang new look.

Sa kanyang Instagram, ipinakita nito ang photoshoot ng kanyang look nang magperform ito sa noon show sa television. Pasabog ang curled hair ni Loisa na sinabayan niya pa ng silver outfit at jewelry.

Napa-bow down to the queen naman ang netizens nang gulatin ni Loisa ang publiko sa kanyang transformation. Napuno ng fire at heart emoticons ang post ng dalaga.

Narito naman ang ilang komento ng netizens: “Hoooy! ang gandaaaaa moooooo sobraaaaaa ateee ko”; “Gorgeous love”; “The face, the body”; “Ang ganda mo loisa galing mo talagang sumayaw.”

AUTHOR PROFILE