Kylie

KYLIE MAY PA-SOFT LAUNCH NG BAGONG BF

May 26, 2024 Vinia Vivar 77 views

Tila nag-soft launch si Kylie Verzosa ng kanyang boyfriend in her recent TikTok video.

Mapapanood sa nasabing video si Kylie in her bed wearing pajamas at tila kagigising lang.

Nili-lip sync niya ang kantang Espresso ni Sabrina Carpenter habang panay ang pa-cute sa camera.

Sa linyang “Oh, he looks so cute wrapped around my finger,” ibinaling ni Kylie for a short moment ang camera sa tabi niya at makikita ang isang guy na nakahubad at nakadapang natutulog.

Pero seconds lang ito at ibinalik na niya ang camera sa kanya.

Siyempre, hindi ito nakaligtas sa paningin ng netizens lalo na nga’t pwede namang i-pause ang video para makitang mabuti ang guy.

‘Yun nga lang, hindi kita ang mukha ng guy dahil nakadapa ito.

Bumaha agad ng komento sa comment section at panay ang tanong ng netizens kung sino ang guy. Ang dami ring kinilig sa post.

“Soft launching bf’s back,” komento ng isang netizen.

“Emil is the guy name,” sabi naman ng isa pa.

“Hoyy sino yon mhiiiii?” tanong naman ng isang fan.

“Ahhh kinilig ako mga 1 second,” sey naman ng isa pang TikTok user.

Matatandaan na inamin na ni Kylie sa mga past interview na may bago na siyang karelasyon ngayon matapos ang breakup nila ni Jake Cuenca in 2022.

Non-showbiz daw ang guy. Pero hindi pa niya ito ipinapakilala formally sa publiko at wala pa siyang pa-face reveal ng bagong dyowa dahil aniya, gusto muna niyang maging private ito.

“We both wanna keep it private. We both agreed we want it to be that way. I come from a different industry. He comes from a different industry. He respects mine. And I respect his job. He’s very supportive of everything that I do,” pahayag ni Kylie sa interview ni Karen Davila kamakailan.

AUTHOR PROFILE