Riazee

Ria ibinalandra ang baby bump

June 16, 2024 Vinia Vivar 222 views

Kinumpima ni Ria Atayde na magiging magulang na sila ng mister na si Zanjoe Marudo. Kasalukuyan ngang nagdadalang-tao ang aktres sa kanilang first baby.

Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day kahapon (June 16) ay ipinost ni Ria ang ilang larawan na nagpapakita ng kanyang baby bump.

Sa caption ay binati niya si Z sa kauna-unahan nitong selebrasyon ng Father’s Day.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you. Happy first Father’s Day!” ang mensahe ni Ria sa asawa.

Dumagsa naman ang pagbati ng mga netizen at kapwa celebrity sa mag-asawa.

Kabilang sa mga celeb na bumati ay sina Jason Abalos, Nadine Lustre, Kim Rodriguez, Coleen Garcia, Isabelle Daza, Yam Concepcion, Eula Valdez at marami pang iba.

Walang ibinigay na detalye si Ria kung ilang buwan na siyang preggy pero matatandaan na matapos ang kanilang kasal ni Zanjoe noong March 23 ay kumalat na ang balitang nagdadalang-tao ang aktres.

AUTHOR PROFILE