Liza UNANG GINANG AT DSWD – Namahagi si First Lady Liza Marcos ng financial assistance sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental. Photos courtesy ng DSWD

FL LIZA MARCOS NAMAHAGI NG P17.5M AYUDA

June 17, 2024 Chona Yu 206 views

Liza1Liza2Sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon

PERSONAL na inabutan ng tulong ni First Lady Liza Marcos ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.

Kasama ni First Lady Liza Marcos na namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa P17.5 milyong cash assistance ang ipinamahagi ng Unang Ginang. Galing ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Tinatayang 1,752 na pamilya ang nakatanggap ng tig-P10,000 na ayuda.

Bukod dito, namahagi rin si First Lady Liza Marcos ng mga food at non-food items.

Sa kabuuan, nasa 1,500 na residente mula sa La Castellana ang nabigyan ng ayuda, maging ang mga residente ng Bago City.

AUTHOR PROFILE