Claudine

Claudine may hugot sa ‘absent fathers’

May 26, 2024 Vinia Vivar 73 views

Dahil nalalapit na ang pagdiriwang ng Father’s Day, nagbahagi si Claudine Barretto ng isang open letter tungkol sa “absent fathers.”

Sa kanyang Instagram Story ay makikita ang isang teenager na babae na umiiyak habang may hawak na papel.

Sa ibaba ay nasaad ang isang liham na naka-address sa mga absent father. Nakasaad dito na hindi dapat i-assume ng mga tatay na sinisiraan sila ng mga nanay ng kanilang mga anak dahil ang mismong mga bata raw ang nakakakita ng katotohanan.

“Dear Absent fathers: Never assume that the mother taught the child to hate you. A child can notice a father who doesn’t want to be involved in his child’s life. Stop this nonsense of always thinking that the mothers poison their kids against you. Your absence is the biggest poison,” the letter stated.

As we all know ay matagal nang hiwalay si Claudine sa asawang si Raymart Santiago.

May isa silang biological na anak, si Santino.

AUTHOR PROFILE