Marvin

MARVIN NAGBABALA SA SOCMED POSERS

June 16, 2024 Vinia Vivar 203 views

Nagbigay ng babala si Marvin Agustin sa kanyang social media followers na mag-ingat sa mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan para makapagbenta ng mga produkto.

Sa latest Instagram post ni Marvin, sinabi niya na hindi lang pangalan niya’t mga larawan ang ginagamit ng mga impersonator kundi pati ang boses niya ay nagagaya na rin using AI (artificial intelligence) technology.

“To all my followers as Marvin Agustin or ‘Tito Marvs,’ I would like to inform you that we have received several reports of social media accounts pretending to be me or my representatives selling various products.

“These impersonators are using my name, photos, and videos, as well as manipulating my voice using AI,” ani Marvin.

Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang legit social media accounts na siyang dapat lang paniwalaan.

“I want to clarify that my only official Facebook page is fb.com/MarvinAgustinOfficial.

“Additionally, these are my only social media accounts: Instagram: @marvinagustin, Tiktok: @marvin_agustin

“My official stores are: www.yummyverse.ph, Secret Kitchen on lazada, https://s.lazada.com.ph/s.PV0vE.”

Ini-encourage ni Marvin ang lahat na i-report ang mga nakikitang suspicious post sa mga online platform.

AUTHOR PROFILE