Fire Makikitang inaapula ng mga pamatay sunog ang naglalagablab na apoy na tumupok sa mga kabahayan sa Tondo, Maynila, Linggo ng gabi. Mga kuha ni JONJON C. REYES

60 bahay tinupok ng apoy sa Tondo

June 17, 2024 Jonjon Reyes 187 views

Fire1TINATAYANG aabot sa 60 kabahayan katumbas sa 180 indibidual ang nawalan ng tahanan sa sunog na sa Coral at Juan Luna Street, Tondo,Manila, Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bandang 10:30 ng gabi sa mga kabahayan na gawa lamang sa mga light materials.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma dakong 10:57 p.m.

Inireport ni Fire Inspector Lim, ground commander, na dakong 1:52 ng madaling araw nang ideklarang fireout ang insidente.

Ayon kay Fire Officer lll Cabase ng Arson Division, nagsimula ang sunog sa isang eskinita sa RA Reyes Street malapit sa Coral -Juan Luna, sa Barangay 58, Zone 5, Tondo.

Isa ang nagtamo ng minor injuries habang tinatayang aabot sa mahigit P1.6 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian sa sunog.

AUTHOR PROFILE