Heart

HEART ALIW SA PAG-VIRAL NG TIKTOK TIPS

May 6, 2024 Vinia Vivar 70 views

Hindi umano inakala ni Heart Evangelista na marami ang maaaliw sa kanyang tutorial na inilalabas sa TikTok tungkol sa ‘how to’s’ ng mga rich kid.

Ilan nga sa TikTok entries ni Heart ay kung paano umiyak ang rich girls, paano tumawa, paano sumigaw at ultimo kung paano umutot.

Pawang nag-viral lahat ang mga video niyang ito.

Ayon kay Heart sa panayam ng GMA, sinagot lang naman niya ang random questions ng netizens at naaaliw siya dahil marami ang humihingi ng tips sa kanya.

“Kung paanong pumara ng taxi, mga ganyan. Inaaral ko pa po kaya keep the questions coming,” sey ng tinaguriang global fashion icon.

Actually ay pwede na nga siyang magkaroon ng compilation tungkol dito.

Samantala, kagagaling lang ni Heart sa Paris kung saan ay nag-fitting siya ng kanyang damit na isusuot sa GMA Gala sa July.

“Kasi, couture, four to five months kasi ‘yun, eh. I already fitted the dress, my first fitting was a couple of months ago. So, it takes time talaga ‘pag ganu’n,” aniya.

AUTHOR PROFILE