Andrea

Andrea ’di kinaya ang panonood ng ‘Queen of Tears’

May 6, 2024 Vinia Vivar 130 views

Prinoblema nang bongga ni Andrea Brillantes ang kwento ng hit Korean drama na Queen of Tears to the point na ipinost pa niya ito sa kanyang Instagram Story.

Ayon kay Andrea, first time niya ulit manood ng K-drama after six years at ito ngang talk of the town na QoT na pinagbibidahan nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won ang kanyang sinimulan.

Pero sumakit daw ang kanyang puso.

“It’s my first time watching a K-drama after 6 years. A couple of days ago, I started watching Queen of Tears, pero ‘di ko alam if itutuloy ko pa kasi super sakit na ang puso ko,” sey ni Blythe.

Nag-create pa ng poll ang aktres at tinanong ang followers niya ng “should I still finish the series?” at may choices na “yes” at “’wag na.”

Ayon pa sa dalaga, sa halip na pasayahin siya ng nasabing K-drama ay na-stress lang siya.

“Like legit, nu’ng una masaya ako kasi pinapasaya nya ako pero now sobrang stressed lang ako, pagod na ako kakawork araw araw,” reklamo ni Blythe.

“Akala ko papasayahin ako ng K-drama na toh pero di pala,” sabi pa ni Blythe.

Sa sumunod naman niyang post ay sinabi niyang nag-o-overthink siya sa kahihitnatnan ng kwento ng QoT.

“You guys don’t understand… OA ako sa pag overthink. Episode 8 pa lang ako btw,” aniya.

Ipinakita rin niya ang palitan ng mensahe nila ng tito ng friend niyang si Bea Borres at nakalagay dito ang mga hula niyang mangyayari sa istorya.

Ang ending, ayaw na niyang panoorin ang K-drama. Hahaha! Classic talaga ‘tong si Andrea.

AUTHOR PROFILE