Kathryn

KATHDEN FANS EXCITED SA ANNOUNCEMENT NG ‘HLG 2’

May 18, 2024 Vinia Vivar 126 views

Ang daming na-excite sa post ng Star Cinema at GMA Pictures last Friday.

Feeling ng marami, ito na ang kumpirmasyon ng matagal nang inaabangan na sequel ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Tila ‘save the date’ card ang naturang post na may nakalagay na “Hello!” Sa ibaba naman ay makikita ang date and time na May 19, 2024/6 PM.

Sa caption, nakasaad na “OMW! Can’t wait to say ‘hello’ when we meet again this Sunday, May 19, 6PM (MNL time).”

May nakalagay ding hashtag na #newmoviealert.

Nagbubunyi ang KathDen fans sa naturang impormasyon at naniniwala sila na ia-anunsyo na ang sequel ng Hello, Love, Goodbye ngayong Linggo.

Marami rin ang natuwa na collaboration project ito ng GMA at Star Cinema.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“We’re so excited to say Hello, Love, Once Again.”

“OMG finally HLG 2.”

“See. Finally. It is HLG’s sequel. Thank you, @starcinema and @gmapictures.”

“OMG Excited na kami. Yehey… HLG 2.”

“Excited Ako grabi… ‘di pa ka nga napanood Yung part 2 pero parang naluha na Ako sa kaka excite… thanks god.”

“OMG cant wait kathden… sana happy ending.”

AUTHOR PROFILE