Rhian Larawan mula sa IG/Rhian Ramos

Sinalo ang lahat

May 26, 2024 People's Tonight 113 views

NOONG nagpa-agaw ng kagandahan at kaseksihan, sinalo mo lahat,” isa lamang ‘yan sa mga banat ng netizens sa pagbabandera ng aktres na si Rhian Ramos ng kanyang alindog.

Pinatunayan ng aktres na “summer paradise” ang Boracay nang magtungo siya roon, dahil ang kanyang killer body, ipinangalandakan sa beach.

Sa latest Instagram post ni Rhian, dedma sa malinaw na tubig ang mga barako, dahil malinaw para sa kanila na perfect Pampagana ang wet look ng aktres.

Hindi lang si Rhian ang nakangiti, dahil maging ang kanyang male fans abot Boracay ang masisipat na kasiyahan sa suot niyang two-piece string bikini.

Hinahalikan man ng sikat ng araw ang katawan ni Rhian, namintana naman ang anino ng kanyang singit. Ibang ang naging tama sa mga nasa opposite sex ng kanyang makinis na patakam.

Umagos naman ang reaksyon mula sa netizens sa pagbabanderang ito ng sex appeal ni Rhian. Binaha ng fire emojis at pinusuan nila ang kanyang post.

Ayon sa ilang komento: “INIT NI MADAM”, “ang yummy naman”, “napa-zoom ako don ah”, “Yummy coco melon and tambok”, at “Kaya Pala lalong uminit eh!”

AUTHOR PROFILE