Kim

Kim, nag-congratulate kay Maja kahit ’di imbitado sa kasalan

September 25, 2023 Vinia Vivar 138 views

Sinagot ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog ang tanong ng isang fan kung bakit siya absent sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez noong July sa Bali, Indonesia.

Ayon sa aktres, hindi siya imbitado sa nasabing kasal.

“Hindi naman kami sobrang close na ni Maja and hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap. Siyempre, kapag kasal mo, gusto mo ‘yung mga taong gusto mo lang nandiyan to witness your love sa partner mo,” paliwanag ni Kim.

Bagama’t hindi siya naimbitahan ay nagpahatid naman siya ng congratulatory message sa dating BFF.

“Hindi ako naimbitahan. Pero okay lang. Wala talaga (hard feelings). Sobrang happy ko para sa kanya, minessage ko naman siya,” she said.

Naikwento rin ni Kimmy na nag-message rin sa kanya si Maja nang ma-ospital ang kanyang Ate Kam.

“Na-touch din ako nu’ng minessage niya ako dahil doon sa nangyari sa ate ko. Sabi niya pinagpe-pray daw niya ‘yung ate ko and sana daw okay lang ako. Nakausap ko siya noong may nangyari sa ate ko,” sey ng aktres.

“Pero siguro sa kasal, hindi naman na importante kung imbitado ka or hindi. Basta sa sarili mo masaya ka na nangyari sa kanya ‘yun. Deserve nila ang isa’t isa, sila ni Rambo,” dagdag pa ng girlfriend ni Xian Lim.

“Hindi naman na siguro ako magma-matter kung present or hindi. As long as happy ako na nahanap na niya ang forever niya. ‘Yun si Rambo. Kaya congratulations Mr. and Mrs. Nu?ez,” she said.

Matatandaang dating best of friends sina Maja at Kim noong time na pareho silang sumisikat sa ABS-CBN.

Pero nagkaroon sila ng gap nang maging boyfriend ni Maja si Gerald Anderson na ex na ni Kimmy.

After several years ay nagkabati rin sila, pero hindi na naibalik sa dati ang kanilang nagkalamat na pagkakaibigan.

AUTHOR PROFILE