Joey de Leon

Reklamo laban sa ‘lubid’ ni Joey, sasailalim sa review ng MTRCB

September 25, 2023 Vinia Vivar 406 views

DADAAN sa review ang complaints tungkol sa kontrobersyal na pahayag ni Joey de Leon sa “Gimme 5” segment ng E.A.T. sa TV5 nitong Sabado, Sept. 23, ayon sa pahayag ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa official statement na in-e-mail ng Censors’ Board sa entertainment press, sinabi ng ahensya na, “Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”

Kaliwa’t kanang pangba-bash kasi ang natanggap ni Joey de Leon mula sa netizens matapos magbitaw ng insensitive joke sa E.A.T.

Sa segment na “Gimme 5: Laro ng mga Henyo,” kinailangang magbigay ng isang male contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg.

May time limit ang nasabing laro at “necklace” lang ang naisagot ng contestant hanggang sa maubusan na siya ng oras.

Biglang humirit si Joey ng, “Lubid, lubid. Nakakalimutan n’yo.”

Hindi nagustuhan ng netizens ang nasabing remark ni Joey dahil malinaw umano na tumutukoy sa “suicide” ang sinabi ng Master Henyo.

Dahil dito, naging trending topic ang “Joey de Leon” sa X (dating Twitter) at tinawag nila ang pansin ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

Anila, dapat magsagawa ng aksyon si Chair Lala sa insidenteng ito.

“This is a trigger warning clip about suicide and Joey de Leon can’t shut his mouth. Really? Mga bagay na sinasabit sa leeg ay lubid? REALLY, JOEY DE LEON???? LALA SOTTO, ANO NA???” komento ng isang netizen.

Ayon naman sa isa pang X user, ang sinabi ni Joey ay under “Rated SPG.”

“Rated SPG. Maaaring may maselang tema, lenggwahe na hindi angkop sa mga bata. What Joey de Leon must realize is that, even if personally, he doesn’t believe in depression and makes jokes of suicide it falls under Maseselang Tema. Your move, MTRCB. Hello, Lala Sotto,” sey ng netizen.

Pero may mga nagtanggol naman kay Joey at anila, ang lubid na sinabi nito ay maaaring isabit sa hayop at marahil ay ito ang iniisip ng TV host/comedian.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Joey o ang E.A.T. management sa bagay na ito.

Bukas ang People’s Tonight para sa kanilang panig.

AUTHOR PROFILE