Joshua

JOSHUA, NA-SAD SA PAGKAANTALA NG BAGONG SERYE NILA NI JANELLA

September 25, 2023 Ian F. Fariñas 244 views

Ikinalungkot ni Joshua Garcia ang pagkakaantala ng teleseryeng pagtatambalan nila ni Janella Salvador under Dreamscape Entertainment.

Ito sana ang pangatlo nilang pagsasama matapos ang Killer Bride at Darna at inaaabangan na nga rin ng kanilang fans mula nang mapabalita noong June pa.

Sa mediacon ng bagong pelikula ni Joshua na Fruitcake, isa ito sa mga naitanong sa aktor.

“Na-move. Sadly, na-move,” ani Joshua.

Dagdag niya, “Actually, nalungkot ako nu’ng na-move siya kasi naka-set na lahat ng schedule, eh. So, kung may mamu-move, parang nag-a-adjust lahat, alam mo ‘yun, gets mo ba ‘yun, parang domino effect niya sa mga ibang schedule.”

Hindi na sinabi ni Joshua ang reason kung bakit na-postpone ang serye o kung may balak pa bang ituloy ito.

Nahingan din ng reaksyon ang aktor tungkol sa sinabi ni Maricel Soriano na special request ng Diamond Star na makasama siya.

Na-flatter si Joshua at aniya, “Gusto ko rin siyang makatrabaho. Sana, ‘yung mas intense na drama lang, ‘no? Mother and son story. Excited. Sana.”

Honored din si Joshua sa magandang pagtingin sa kanya ni Marya at sey ng aktor, “Thank you. Hindi pa ako artista, napapanood ko na siya.”

Anyway, sa Fruitcake ay kasama ni Joshua sina Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Dominic Ochoa, KD Estrada, Jane Oineza, Empoy Marquez, Queenay Mercado, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Kaila Estrada at Karina Bautista.

Directed ito ni Joel Ferrer under Cornerstone Studios and Create Cinema.

Hindi pa sinasabi ang playdate ng movie pero ang hula namin ay plano nila itong isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

AUTHOR PROFILE