Kampon

Ellen, nakunan! Derek, lutang sa pagkalaglag ng panganay nila ni Ellen

December 11, 2023 Jun Nardo 213 views

NAKUNAN ang unang pagbubuntis ni Ellen Adarna sa kanilang baby. Inihahayag ito ni Derek Ramsay sa mediacon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niyang Kampon ng Quantum Films.

“One thing good sa nangyari at least, nalaman namin na hindi kami baog ni Ellen. It was a happy and sad experience.

“When we found out that Ellen was positive, days after, nagkaroon siya ng spotting. Then, we lost the baby,” pahayag pa ni Derek, na umaming lutang siya dahil sa pangyayari.

Hindi na basta naghahangad ang mag-asawa na mabuntis si Ellen. Kung dumating na lang at saka sila maghahanda.

“We wanted a girl after Elias. Eh, with the experience of working with Erin (Espiritu, anak nila ni Beauty Gonzalez sa Kampon), mas lalo kong ginusto ang baby girl,” rason ni Derek.

Anyway, para talaga kay Derek ang Kampon. Ito ang comeback movie niya matapos mag-break mula nang magpakasal.

‘Yun nga lang, after Kampon, “I will have to take a break again sa TV and movies. We will know again kung ano ang next step ko,” pahayag ng aktor.

Kasama ni Derek sa movie sina Beauty, social media influencer Zeinab Harake, Nico Antonio at iba pa mula sa direksyon ni King Palisoc na gumawa ng Quantum movie na Tandem.

AUTHOR PROFILE