Dantes

DongYan sa mga showbiz hiwalayan: Ipagdasal natin sila

December 11, 2023 Vinia Vivar 199 views

Bongga talaga ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil may bago na naman silang endorsement. Sila ang first ambassadors ng NWOW electronic bike.

Nagkaroon nga sila ng bonggang launching kahapon sa Novotel Hotel at masayang-masaya ang Kapuso Primetime King and Queen dahil tuwang-tuwa ang dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto sa nasabing e-bike.

“Sobrang na-excite kami. Actually, nu’ng dineliver siya sa bahay, ‘yung mga kids talaga ang sobrang tuwang-tuwa talaga na very excited talaga na gamitin siya going to the park,” ani Marian.

Sobrang thankful naman ang mag-asawa sa lahat ng blessings na dumarating at sa lahat ng mga produktong nagtitiwala sa kanila para kunin silang ambassadors.

Samantala, natanong ang DongYan tungkol sa mga hiwalayang nagaganap ngayon sa showbiz couples at sey ni Marian, nakakalungkot talaga.

“Siyempre, everytime na nakakarinig tayo ng mga ganitong pagkakataon sa mag-couple ay nakakalungkot naman talaga, so ang tanging magagawa lang natin, mga nakapaligid at kung kaibigan man natin sila ay ipagdasal natin sila na maging maayos at makayanan nila itong pagsubok na ito,” sabi ni Marian.

Asked kung nag-reach out ba sa kanila ang couple na malapit sa kanila para humingi ng advice at sabi ni Dong ay wala naman.

Obviously, sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati ang itinatanong sa kanila ng press.

AUTHOR PROFILE