Beauty

Beauty, na-challenge higitan si Kris

December 11, 2023 Vinia Vivar 139 views

Hindi big deal kay Beauty Gonzalez kung second choice man siya sa horror film na Kampon, isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2023.

Matatandaang si Kris Aquino ang original choice for the film noong pre-pandemic pero hindi ito nag-materialize hanggang sa inabot na nga ng pandemya at ngayon lang natuloy with Beauty as Derek Ramsay’s leading lady.

“I don’t mind,” sey ni Beauty nang matanong kahapon sa grand mediacon ng movie kung ano ang feeling niyang bilang second choice.

“I really don’t mind. I take it as a challenge ‘coz she’s known to be a horror queen, so to be a second choice, I take it as a challenge na sana, I can do better than her and I can bring my best into this project,” dagdag niya.

Thankful ang aktres sa Quantum Films na siya ang napili for the role.

“I’m very lucky to be chosen by Quantum Films, they have really highly entertained movies, sobrang ang dami nilang napapanalunan na mga awards in Metro Manila Film Festival and to be working with Derek Ramsay who’ve won a lot of Best Actor awards is like ‘okay, I’m game!’” anang aktres.

‘Yun nga lang, asawa nga pala si Derek ng best friend niyang si Ellen Adarna at may mga intimate scene pa sila sa movie.

“Hala, asawa pala siya ng best friend ko, pero sige, I’ll take the challenge. So, I’m happy to be here,” she said.

Alam niyang mahigpit ang laban sa MMFF this year dahil 10 films ang maglalaban-laban.

“I know it’s a tight game, 10 films in Metro Manila Film Festival, I’m just lucky to be here to be one of those top 10 kasi ang gaganda rin ng ibang pelikula na kasama ngayon,” sey ni Beauty.

Aminado rin siyang may awkward factor sa love scene with Derek pero mabilis nila itong tinapos para mawala na ang pagka-ilang plus gentleman naman daw ang aktor kaya smooth tumakbo ang lahat.

Wish lang ni Beauty na babaan ang presyo ng sinehan para mas maraming makapanood ng 10 movies, lalo na nga’t Pasko pa naman.

Mapapanood na ang Kampon simula sa Dec. 25 mula sa direksyon ni King Palisoc at sa panulat ni Dado Dayag. Kasama rin sa movie ang child actress na si Erin Espiritu, Nico Antonio, Al Tantay, Kean Cipriano at introducing si Zeinab Harake.

AUTHOR PROFILE