Elihaga

Elijah, doble ang pressure sa pagiging anak ni Aga

July 15, 2022 Jun Nardo 336 views

DOBLE ang pressure na nadama ng young actor na si Eijah Canlas nang mapili siyang gumanap na anak ni Aga Muhlach sa Cignal-TV5 comeback series ng senior actor na Suntok sa Buwan.

Eh, boksingero ang role ni Elijah kaya kinailangan niyang sumailalim sa training ng boxing.

“Mahirap para sa akin ‘yon. Kaya may pasa at bugbog ang katawan ko. Mabuti naman magaling ang coaches ko gaya ni Albie (Casiño, na kasama sa movie serye) at iba pa.

“Eh, bukod sa boxing, si Kuya Aga pa ang lalabas na tatay ko. Alam ko namang magaling siya kaya may kaba sa akin sa kada eksena naming dalawa,” sey ni Ehlijah sa mediacon ng tinatawag nilang movie serye.

Sa Baguio City ito kinunan kaya komportable ang pakiramdam ni Aga at lahat ng kasama sa production dahil malamig ang klima.

Kasama rin sa movie serye sina Maris Racal, Albie, Matet de Leon at iba pa.

Mula ito sa direksiyon ni Geo Lomunda at produced nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Sa July 18 ang pilot telecast ng Suntok sa Buwan.

ANGAT SA FB AT TIKTOK

NANGUNGUNA na ang GMA Nework sa Facebook at Tiktok.

As of June 22, mahigit na 22M na ang likes sa FB ang Kapuso Network. Mas mataas din ng 72% ang public engagement ng GMA kumpara sa katapat nitong media organization base sa datos ng Sprout Social sa unang anim na buwan ng 2022.

Sa Tiktok naman ay may 1.1 million followers na ito.

Ang matatag at malawak na impluwensiya ng Kapuso Network sa Facebook at Tiktok ay patunay na mas pinipili ng nakararami ang world class contest ng GMA para sila mag-enjoy at ma-entertain.

AUTHOR PROFILE