Andrea

Andrea, walang pang-amoy since birth

July 15, 2022 Vinia Vivar 1029 views

Since birth ay walang pang-amoy si Andrea Brillantes.

Ito ay isang rare medical condition called “congenital anosmia” na walang gamot.

Kaya naman mula nang ipanganak hanggang sa ngayon ay hindi alam ni Andrea kung ano ang amoy ng iba’t ibang bagay.

“Wala po talaga as in pwede po akong ututan sa mukha,” kwento niya sa kanyang panayam kay Karen Davila.

Actually, nalaman nga raw niya na wala siyang pang-amoy nang ututan siya ng daddy niya sa mukha noong bata siya.

Naghihintay daw ang lahat ng kanyang reaksyon pero wala naman daw siyang naamoy.

Du’n lang daw niya napagtanto na parang wala nga siyang pang-amoy.

“Eh, ‘yung ate ko, maraming pabango, mahilig sa mga pabango, punta ‘ko sa cabinet niya, spray-spray ako d’yan, tapos umiinit na ‘yung leeg ko sa kaka-spray ko ng pabango, tapos wala pa rin akong naamoy,” pagbabahagi pa ni Blythe (Andrea’s real name).

“Ang meron lang ako, sensation. Kapag may alcohol, ‘yung rubbing alcohol, ‘yung parang lalamig, ‘yun lang. Mga cooling-cooling. Pero amoy po, wala talaga,” she said.

But the irony, mahilig daw siya sa pabango.

Asked kung paano siya namimili ng perfume, sey niya, “’yung ate ko, ‘yung dyowa ko, si Ric (Ricci Rivero), pinapaamoy kung ano amoy neto.”

Wala naman daw problema sa kanyang sense of taste pero dahil nga wala siyang pang-amoy, parang kulang pa rin daw.

Kaya mahilig daw siya sa sobrang sweet at sobrang asim na mga pagkain.

“Pinakamahirap po ‘yung panis na pagkain dahil hindi ko alam (na sira), lalo na ’pag gatas,” sey niya.

Wala raw siya talagang kahit anong memory ng mga amoy pero dahil she was born with it, natutunan na rin niya how to live with it.

Actually, hindi naman halata na may ganito siyang disorder.

Ayanna

MATINDING PAPURI

Matitindi ang papuring pinakawalan ni Direk Roman Perez Jr. sa performance ni Ayanna Misola sa pelikulang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

Kahit daw si Bea Alonzo or ang Supertar na si Nora Aunor ay tiyak na mahihirapan.

“Habang pinapanood ko ang pelikula sa editing, kahit si Bea Alonzo siguro ang gumawa nito, mahihirapan. Sobrang hirap ng karakter, apat na tao ‘yung ginagampanan ni Ayanna,” sey ni Direk sa virtual mediacon.

“At kahit sino pa ang gumawa nito, mahihirapan. Kahit siguro ang ating National Artist na si Nora Aunor, kapag ginawa itong pelikulang ito ay mabibigyan ng magandang challenge.

Ang hirap na multiple characters ang ginagampanan niya at napakagandang vehicle nito para kay Ayanna.

“Napakahusay ni Ayanna, lalo ’yung mga mahihirap na scene, na-pull-off niya. Si Ayanna, matatawag na nating aktres,” dagdag pa ng direktor.

Sa naturang mediacon ay inamin din ni Direk Roman na ang gusto niya talagang i-remake ay ang Scorpio Nights at very vocal naman daw siya tungkol dito noon pa.

Kaya naman na-hurt siya nang ibigay ang Scorpio Nights 3 kay Lawrence Fajardo. Pinagbibidahan naman ito ni Christine Bermas.

“Hurt ako nang nalaman kong si Direk Law. Pero siya talaga ang nauna sa akin sa Viva. Kuya ko ‘yun,” aniya.

Dagdag pa ni Direk, “Para sa kanya talaga ‘yun.”

Isa pang gusto raw niyang i-remake ay ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita pero sinabi raw ni Boss Vic del Rosario na ‘wag daw muna.

Pero nang ibigay daw sa kanya ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ay nagustuhan niya agad dahil isa rin daw itong Viva classic at napanood niya ang pelikula. Kaya pumayag daw siya agad.

“So, ‘yun, binigyan ni Boss Vic ng green light ang project at saktung-sakto, tama si Kuya Mon (Confiado, isa rin sa main cast), mayroong hilatsa si Ayanna Misola kay Dina Bonnevie.

“So, sakto sa kanya nabigay ‘yung Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili,” sey ni Direk.

May Dina B. factor daw si Ayanna mula sa skin tone nito, sa reactions at maging sa acting.

Palabas na ngayong July 15 ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE