NDRRMC

6 patay kay Egay

July 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 212 views

ANIM katao ang nasawi sa pananalasa ng Super typhoon Egay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Office of Civil Defense information officer Diego Agustin Mariano, na mula sa Benguet dahil sa landslide ang isa sa namatay at apat dahil sa landslide at mula sa Cardona, Rizal ang isa.

Dalawa katao rin ang iniulat na nasugatan.

“There are a total of 5 reported dead for validition, the additional four were from Benguet due to landslide. All of which are still for validation if related to Egay or Habagat,” pahayag ni Mariano.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 89,639 pamilya o 328,356 katao ang naapektuhan ng Super typhoon sa 11 rehiyon sa bansa.

Umabot din sa 6,793 katao ang inilikas mula sa Region 1, 2, 3, Mimaropa at Region 6 habang nasa 26,697 katao ang nawalan ng tirahan.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 200 related incidents ang naitala ng NDRRMC sa sampung rehiyon ng bansa.

Umabot na rin a 22 imprastraktura ang nasira na nagkakahalaga ng P1.7 million. Nasa 107 daan, 19 na tulay, 121 seaports ang naapektuhan ng bagyo.

Nawalan din ng kuryente sa may 109 lungsod ang munisipalidad kung saan nsa 29% pa lamang ang naibabalik.

Dalawang lungsod at munisipalidad ang nakaranas ng water interruptions.

Dahil sa lakas ng hagupit ng bagyong Egay, sinuspinde ang klase sa 442 lungsod at municipalidad.

Sa ngayon, umabot na sa P10,296,443. 21 halaga ng tulong ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at gopbyerno sa mga apektadong residente.

Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na maging kalmado ang lahat matapos ang pananalasa ng super typhoon Egay sa hilagang bahagi ng Luzon.

Tiniyak ng lider ng 312 miyembro ng Kamara na kumikilos ang gobyerno para makapagpaabot ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.

“President Marcos is doing everything he can to assist, help and provide assistance to super typhoon Egay victims. We want to make sure that at this time of extreme need, the people should feel that their government is with them,” sabi ni Speaker Romualdez.

“We have already raised funds for relief, and we are trying to raise more. We expressed gratitude to all first responders. What is important is we help bring back the lives of victims to normalcy,” dagdag pa niya.

Nakatakdang pumunta si Speaker Romualdez sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para sumama sa isinasagawang relief operations. Nasa Malaysia ang Speaker kasama ang Pangulo.

Sa pagtutulungan ng tanggapan nina Speaker Romualdez at Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, nakapangalap na ang mga mambabatas ng P128.5 milyong tulong para sa mga nasalanta.

“This is the same Bayanihan spirit that allowed Tacloban City and the Eastern seaboard to recover and bounce back from Super Typhoon Yolanda almost 10 years ago.

Truly when we are united in our objectives, there is nothing we can’t do,” sabi naman ni Rep. Yedda Marie Romualdez.

Samantala, sinira ng bagyong Egay ang tanyag na Banaoang bridge sa Narvacan, ilocos Sur.

Ito na ang ikalawang beses na naisra ng bagyo ang naturang tulay. Una itong nasira noong 2001 sa kasagsagan ng bagyong Feria.

Ni Zaida delos Reyes, Ryan Ponce Pacpaco at Christian Supnad