Default Thumbnail

3 `tulak´ timbog sa Antipolo

May 1, 2024 Jojo C. Magsombol 53 views

KAMPO Major Heneral ,Licerio I. Gerobimo, GERONIMO, Taytay, Rizal – Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang naaresto ng mga kapulisan sa ginawang buy-bust operation Martes sa Antipolo, City, Rizal.

Ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Col/ Felipe B. Maraggun kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas

ang mga mga suspek ay kinilalang sina Alyas Bord, Alyas Bogart at Alyas Roderico, mga tulak na tinaguriang street level individuals.

Alas- 9:05 ng gabi ng Abril 30, 2024 nang nagsagawa umano ng isang buy-bust operation ang Drug Enforcement Team ng Antipolo Component City Police Station sa pamamagitan ng koordinasyon ng Philippine Drug EnForcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkaka-aresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa tatlo ang 20 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa humigit kumulang sa 21 gramo at may karaniwang halaga na P 142,800; buy-bust money, belt bag, cellphone, isang Cal. .38 revolver, at tatlong bala.

AUTHOR PROFILE