Bata Source: Police Regional Office 4-A

Bata patay, 3 kaklase sugatan sa pagkakahulog sa septic tank sa Cavite

May 21, 2024 Zaida I. Delos Reyes 98 views

PATAY ang 12-anyos na batang babae habang sugatan ang tatlo nitong ka-klase matapos mahulog sa septic tank sa loob ng kanilang eskwelahan sa Alfonso, Cavite.

Ang biktimang itinago sa pangalang Rose Ann, Grade 5 student, ay hindi na umabot ng buhay sa pagamutan .

Batay sa ulat ng Police Regional Office 4-A, naganap ang insidente dakong 12:40 ng tanghali sa loob ng Sinaliw Elementary School na matatagpuan sa Barangay Sinaliw Malaki, Alfonso , Cavite.

Sa insiyal na ulat, nakaupo ang mga biktima sa isang kongkretong upuan at nana-nanghalian nang biglang gumuho ang lupa at nahulog ang mga biktima sa septic tank.

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay ang isa sa mga ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.