Iranian Source:FB

PBBM nakiramay sa pagkamatay ng Iranian president

May 21, 2024 Chona Yu 107 views

KAISA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng buong mundo sa pagpapaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni Iranian President Ebrahim Raisi at ng foreign minister nito na si H.E. Hossein Amir Abdollahian at pitong iba pa dahil sa helicopter crash.

Ayon sa Pangulo, kaisa rin ng lahat ang mga Filipino sa pananalangin para sa pamilya at malalapit sa buhay ng mga biktima.

“We offer our deepest condolences to the people and the government of the Islamic Republic of Iran, especially to the families and loved ones of the late President Ebrahim Raisi, Foreign Minister Hossein Amir Abdollahian and their companions in this tragic incident.

The Filipino people mourn with you and will keep you in our prayers during this difficult time,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Base sa inisyal na impormasyon, 30 minuto pagka takeoff ng helicopter na sinasakyan ng 63-anyos na lider at walong iba pa nawalan na ito ng contact sa control tower.

Agad itong pinagmulan ng pangamba kaya agad nagpatupad ng search at rescue ang pamahalaan ng Iran para hanapin ang nawawalang helicopter na natagpuan malapit sa boundary ng Azerbaijan.

AUTHOR PROFILE