Arestado NA-CORNER–Ang suspek sa kasong qualified theft matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki arestado sa pagnanakaw

May 21, 2024 Jonjon Reyes 75 views

INARESTO dahil sa qualified theft ang 39-anyos na lalaki sa Juan Luna St., Tondo, Maynila noong Lunes.

Residente ng Brgy. 59, Zone 5, Juan Luna St., Tondo ang inarestong si alyas Robin.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, chief ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, naaresto ang suspek bandang alas-4:25 ng hapon sa bahay nito sa Tondo.

Naaresto ang binata sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge James Sy, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 3 ng Manila.

AUTHOR PROFILE