Sunshine1

Sunshine binuking ang laman ng kikay kit

May 1, 2024 Eugene E. Asis 121 views

Sunshine2SELF-love,” sagot ni Sunshine Cruz kung ano sikreto ng kanyang tila forever niyang ganda. “Kailangan lang mahalin ang sarili. If you expect (other) persons or people to love you, you have to love yourself first. ‘Yun ang ginagawa ko ngayon. Stay healthy. (I stay) fit not only for myself but for my family. Nasabi ko na ang secret ko.”

Si Sunshine ang napili ng Thiocell Glutathione Lozenge bilang mukha ng kanilang #AgelessGlow campaign. Humarap siya sa media na parang hindi siya umalis mula sa 30 taong nakalipas, noong siya’y 16 taong gulang pa lamang.

Kaya naman tinanong siya kung ano ang sikreto ng kanyang walang kupas na ganda at kaseksihan.

“I remove my makeup before going to bed,” aniya. “Just moisturizer. Water lang. Sleep. If you lack sleep, makikita talaga sa mata. Once a year, I do facials. Pero very simple ang skin care ko. Thirty pa lang ako, naga-eye cream na ako.”

Nagbibigay rin ba siya ng beauty advice sa kanyang magagandang anak?

“Ginaya nila ako. Nakikita nila kasi kahit nung bata pa sila how I take care of my skin. Pag meron silang blemishes I tell them to do something about it. Puro kami kikay. It’s an advantage na ang mommy nila medyo kikay din. As a mom ayaw ko rin na nakikitang pinababayaan nila ang kanilang skin. I tell them what to do.”

Ano ang makikita sa kanyang kikay kit?

“Sa aking makeup pouch, andyan ang aking Thiocell, siyempre. Kasi lagi akong on the go. What’s nice about it, anywhere I can take it kasi it’s in lozenge form. May cologne, wet wipes. I think kahit sinong babae, pare-pareho lang ang laman ng kikay kit.”

AUTHOR PROFILE