Dominic

Dominic naka-move-on na kay Bea

May 21, 2024 Vinia Vivar 104 views

“I’m okay. I’m happy, yeah.”

Ito ang nakangiting sagot ni Dominic Roque nang kumustahin siya ng media sa isang recent event base sa video na ipinakita ng “Saksi” ng GMA-7.

“I’m happy, actually. Yeah, everything’s okay,” aniya pa.

Ayon pa kay Dom, busy siya ngayon sa iba’t ibang mga bagay tulad ng kanyang negosyo. Bumibiyahe rin siya para sa kanyang social media content.

Halata naman sa aura ng dating aktor na happy siya ngayon at maaliwalas ang kanyang mukha. Mukha ring naka-move-on na siya sa breakup nila ni Bea Alonzo.

Matatandaan na nitong nakaraang Pebrero ay kinumpirma nina Bea at Dom ang kanilang paghihiwalay. Ayon sa kanilang Instagram post, mutual decision ang breakup.

Na-engage sina Bea at Dom noong July, 2023 at kasunod nito ay ang pagpaplano ng kanilang wedding. Supposedly ay ngayong taon sila ikakasal pero nakansela nga because of the breakup.

After the announcement ay hindi na nagbigay pa ng anumang pahayag ang dalawa tungkol sa hiwalayan.

AUTHOR PROFILE