Lovi

Lovi umaming nainggit sa mga may side boobs

May 21, 2024 Vinia Vivar 133 views

Proud na proud si Lovi Poe sa kanyang morena skin at kahit pa nga marami ang nagsasabi sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya na kailangan niyang magpaputi to make it in showbiz, wala siyang pakialam.

“I remember before when I was starting,” sey ng aktres sa contract signing niya as SCD Skin Care ambassador, “I was told — I’m gonna share it na lang — that I was never gonna make it because I was dark-skinned. I was never gonna make it because I don’t have… I’m flat chested.”

Sinasabihan din umano siya noon na chubby siya kaya hindi siya sisikat. Naapektuhan din siya sa masasakit na opinyon ng mga tao pero ginawa niya na lang itong challenge at ginalingan ang kanyang trabaho.

Kahit sinasabihan siya ng lahat na mag-take ng mga pampaputi tulad ng glutathione ay hindi niya ito sinunod.

“I was like, ‘you know what? Who cares? You know what, I’ll just do me’ and I was just like, ‘if they don’t want that I’m flat-chested, I don’t care. Gagalingan ko na lang sa pag-arte, gagalingan ko na lang sa ibang aspect,” sey niya.

As she grew older ay mas lalo niyang natutunan na i-value at mahalin ang sarili na siyang pinaka-importante.

“Kasi sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo even more than anyone else kung hindi ikaw rin lang naman, ‘di ba? And you know, everything suddenly came through. And hindi na siya naging problem for me,” aniya.

Marami rin daw ang nagsasabi sa kanya na magpa-enhance ng boobs at aminado siya na sumagi rin ito sa isip niya.

“But I’m so paranoid, sa totoo lang. I’m too paranoid to do anything like that. So, I’m happy that I didn’t. Because now, I can wear anything I want,” she said.

Pero hirit niya, naiinggit din siya sa mga taong may side boobs.

“Sa totoo lang, nakakainggit ‘yung mga taong may side boob,” sabay-tawa. “’Pag nakikita ko sila, sana all.”

She also realized na what makes you difference is what is gonna make you shine at niyakap niya nang buong-buo ang kanyang uniqueness.

Anyway, pangalawang taon na ito ni Lovi bilang SCD ambassador at masaya siya sa tiwalang ibinibigay ng CEO na si Gracee Angeles.

“I’m just so happy to be part of this family and thank you so much for having me,” sey ni Lovi.

Ikinuwento rin ng aktres na during her wedding preparations ay talagang puro SCD products ang ginagamit niya at gustung-gusto niya ang mga skin care product ng kumpanya.

Ayon naman kay Gracee, before getting Lovi ay talagang naghahanap sila ng celebrity endorser na babagay sa kanilang skin care product.

Perfect na perfect daw ang morena skin ng aktres sa kanilang mga produkto plus napaka-elegante pa ng image nito na bagay din sa kanilang kumpanya.

Dahil kay Lovi, mas nakilala ang SCD Skin Care.

AUTHOR PROFILE