Default Thumbnail

3 U profs sinalpok ng jeep, tigok!

July 27, 2023 Zaida I. Delos Reyes 227 views

TATLONG professor ng Southern Luzon State University ang nasawi matapos na masagasaan ng rumaragasang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa kalsada nitong Miyerkules ng gabi sa Tiaong , Quezon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Cheryl Baracael Bundalian, 27, ng Dolores, Quezon; Rosie Campus Dulay, 62, ng Sampaloc, Quezon; at Salvo Ocampo Salvacion, 30, ng Adelina Subdivision, Barangay Lagalag.

Batay sa ulat ng PNP ang insidente ay naganap nitong Miyerkules ng gabi sa Bgy. Lagalag.

Kagagaling lamang umano ng mga biktima sa isang pagpupulong at naglalakad papatawid sa kalsada nang bigla na lamang silang salpuking ng jeep na minamaneho ni Zaldy Mosquera, 63-anyos at residente ng San Pablo City, Laguna.

Agad na isinugod ang mga biktima sa Peter Paul Medical Hospital sa Candelaria, Quezon at Candelaria United Doctors Hospital subalit hindi na nailigtas ang buhay ng mga ito.

Arestado ang driver ng jeep at sasampahan ng kasong multiple homicide.