Belmonte Source: Batangas PNP PIO

2 MWP dahil sa ´sex crimes´ timbog sa Batangas

May 1, 2024 Jojo C. Magsombol 105 views

Kampo Heneral Miguel Malvar, Batangas — Arestado noong Martes ng mga kapulisan ang dalawang most wanted persons (MWPs) sa mga kasong pagmolestiya sa Tanauan City at bayan ng Balete, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte kay Police Regional Office (PRO) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas

Sa Tanauan City, nadakma ang akusadong si Alyas Jojo bandang alas-3:00 ng hapon ng Abril 30, 2024 sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, Batangas ng mga tauhan ng Tanauan Component City Police Station.

Ang akusado ay 3rd most wanted sa city level. Ang warrant of arrest laban sa kanya ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 66 ng Tanauan para sa kasong rape at acts of lasciviousness. Walang piyansa inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Alyas Marlon, No. 9 wanted sa provincial level, ay nasakote alas-6:30 p.m. nitong April 30, 2024 sa Brgy. Paligawan, Balete sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 83 , ng Tanauan City, Batangas sa apat na acts of lasciviousness.

AUTHOR PROFILE