Vic Reyes

Marijuana at vape na may lamang cannabis oil nasabat sa CMEX

May 1, 2024 Vic Reyes 70 views

MARAMI ang natutuwa, kabilang na ang mga ordinaryong tao, dahil sa dami nang nasasakoteng parcels na naglalaman ng mga kontrabando sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay City.

Kamakailan nga ay limang parcels na naman ang nadiskubre ng mga tauhan ng Port of NAIA na may lamang dried marijuana leaves o kush at vape pens with cannabis oil.

Sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Dugs Act at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang kush at cannabis oil ay parehong “prohibited at dangerous.”

Ang limang pakete ay isinailalim sa physical examination pagkatapos na magdaan ang mga ito sa x-ray screening at K9 sniffing.

Ang isang shipment o pakete ay binubuksan ng mga taga-Bureau of Customs (BOC) kapag positibo ang x-ray scanning at K9 sniffing.

Nakita sa limang pakete ang 2,536 na gramo ng marijuana at 70 pieces ng vape pens na may lamang cannabis oil.

Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit na P3.5 milyon, ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa.

Sinabi ni Collector Mapa na patuloy nilang pinapaigting ang kampanya laban sa pagpasok sa bansa ng mga prohibited at dangerous goods at substanced.

May standing order sina Pangulong Marcos at BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio na patigilin na ang ismagling.

Lalo na ang illegal drugs at produktong agrikultura, kasama na ang bigas, isda, gulay at iba pang produkto ng ating mga magsasaka.

Nahuhuli nga natin ang mga kontrabando pero magkano naman kaya ang ginagastos ng BOC sa kanilang anti-smuggling drive.

Siguro dapat magsagawa ang BOC ng study kung magkano ang ginagastos nila sa pagbusisi sa mga dumarating na parcel sa CMEX.

Kahit diyan muna sa CMEX, marami kasi ang parcel na dumarating diyan.

Hindi biro ang bilang ng mga tao at oras na inilalaan nila sa inspeksyon ng mga pakete.

At kapag nagpositibo ang x-ray screening at K9 sniffing ay kukuha pa sila ng samples para dalhin sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensiya.

Dito, gagastos na naman ang BOC kapag nagkaroon ng “controlled delivery” sa mga paketeng may lamang dangerous drugs.

Gagamit sila ng mga sasakyan. Mahal pa naman ng gasolina ngayon.

Malaking perhuwisyo sa gobyerno ang ginagawa ng mga ismagler na walang ginawa kundi magpadala ng kontrabando sa bansa.

Kapaga nakalusot nga naman kasi, tiba-tiba sila.

Tama ba kami, Commissioner Rubio?

***

Grabe na ang epekto ng climate change sa ating bansa.

Sobrang init na ng panahon kaya napipilitan ang maraming eskuwelahan na suspendihin ang kanilang mga face-to-face classes.

Gastos sa kuryente kasi kailangang gumamit ka ng aircon o electric fan man lamang kung ikaw ay nasa bahay o opisina.

Kung hindi ay baka ma-heat stroke ka pa at kailanganing dalhin sa ospital.

Grabe na ang nangyayari sa bansa ngayon. Biruin mong lumitaw ang dating bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija na pinalubog noon para gawin ang Pantabangan Dam.

Dahil sa pagbaba ng level ng tubig sa Pantabangan Dam ay lumitaw ang mga pinalubog na istraktura sa lugar.

Tuloy ang dami ng dumadayo sa lugar para masilayan ang pinalubog na simbahan, sementeryo at iba pang gusali.

Ito ay kitang-kita sa Youtube postings. Napapaluha pa ang iba dahil sa paglitaw ng pinalubog na dating Bayan ng Pantabangan.

Pati mga sirang nitso ay kitang-kita. Pero bago pinalubog ang bayan noon, lahat naman ng mga nakalibing doon ay inilipat sa bagong sementeryo.

Sa tingin natin ay lungkot at saya ang nararamdaman ng mga taga-Pantabangan sa paglitaw ng dati nilang bayan.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE